Makalipas ang maraming dekada ay muling nagkita ang dating senador Bongbong Marcos at ang dati nilang kasambahay.
Noong Pebrero 17 ay may isang netizen ang humihingi ng tulong sa mga tagasuporta ni BBM; si Evelyn Milanes Patricio.
“Mga Ka BBM please pa share Naman Po ito Hanggang makarating sa mga Marcoses,” panawagan ng netizen sa kanyang Facebook post.
Ayon kay Evelyn, nagpapatulong umano ang matanda sa kanya na sana ay muli silang magkita ng kaniyang mga inalagaang bata noon na sina Imee, Irene, Bongbong at pati ang dating First Lady Imelda Marcos.
Ang dating yaya ay si Resureccion Bugna o mas kilala bilang ‘Nanay Siony’, 80-taong gulang na ngayon at naninirahan sa Agoo, La Union.
“Ang tanging hiling nya lang makita sina sir Bongbong, mam Imee, at mam Irene at mam Imelda,” sabi umano ni Nanay Siony.

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 11,000 shares ang nasabing post. Sa tulong ng mga netizens ay nakarating na nga ang panawagan ni Nanay Siony kay BBM.
Nitong Pebrero 26 ay ibinahagi sa Instagram account ng presidential candidate ang muling pagkikita nila ng dating kasambahay. Nandun din naman ang UniTeam upang mangampanya sa La Union.
Sa kanilang pagtatagpo makikita ang mahigpit na yakap ng matanda kay BBM.

Bukod sa kanilang pagkikita ay nagbigay ng munting surpresa ang pamilya Marcos kay Nanay Siony.
“Nakakataba ng puso na muling makita ang isang taong napakalaki ang parte sa’yong kabataan,” ani BBM na nagbahagi ng apat na larawan.
“Maraming salamat sa lahat ng nag-share, nag-mention, at nag-react hanggang sa makarating sa aming tanggapan ang post tungkol kay Nanay Siony. Sana ay nagustuhan niya ang munting pasorpresa namin ni Irene sa kanya,” dagdag pa niya.
Ilang netizens naman ang pinuri si BBM at sinabi na ang paghahanap ni Nanay Siony sa dati niyang mga alaga ay isang patunay sa pakikitungo ng mga Marcos sa kanilang mga trabahante.
“The fact that the people who was been with them before still loves them speaks the kind of character the marcoses possess,” sabi ng isang follower.
View this post on Instagram
