Mapapangiti ka talaga kapag may pera sa iyong labada

Ikaw ba ang toka sa labada sa inyong pamilya? Masaya ka ba kapag may nakita kang pera sa iyong nilalabhan?

Oo naman! Tiyak na mapapangiti ka na lamang kapag may nakita ka ring ‘nakangiti’ sa iyong mga labada.

Ibinahagi ni Erik Rugayan sa Facebook page ng Home Buddies ang larawan ng mga perang ‘lumutang’ sa kaniyang washing machine.

“Totoo ang balita na may pera sa labada, dryer po kasi ‘yan kaya hindi na basa ‘yung pera,” nakasaad sa kanyang caption sa Facebook page.

Masaya niyang ipinasilip ang larawan kung saan halos puro isang libo, limang daan at mga isandaang pisong bills ang na-‘harvest’ niya sa labada..

Marami ang nagkomento sa post ni Erik at mga nagsabing “sana all!”

May mga ilan din na nag-tag sa kanilang mga asawa at kasama sa bahay.  “Maglalaba na ko lagi pag may ganito.”

“Siguro kung ganito makukuha ko sa mga labahin na short mo sisipagin talaga ko.”

“Kung ganyan lang din naman makukuha ko sa labahan e ‘di sana kahit wag na tayo bumili ng automatic.”

“Sana all para nakakagana maglaba kahit araw-araw, ‘di ba?”

Isa pang komentor naman ang nagbahagi ng larawan ng washing machine na may nakasingit na piso. “Naway lahat! Madalang na nga lang makakuha ng pera, ganyan pa. Pahirapan pa makuha.” Lols

Sabi naman ng ibang maybahay, wala na raw makikitang ganyan sapagkat Gcash na raw ang kanyang kaperahan, “wala, nasa gcash eh haha”.

May mga gusto ring mag-apply na labandera. “Buong sahod ko na po ‘yung nasa dryer n’yo. HAHAHAHAHA baka gusto n’yo po ng labandera?”

Samantala, kapag tinatamad kang maglaba pero kailangang gawin, maiinis ka pa kapag ‘yung pantalon ay may mga tissue! Iisa-iisahin mo pang ipapagpag. “Kakasabi ko lang sa asawa ko naiirita akong maglaba, paano panay tissue ang nasa bulsa n’ya.. daming kalat kapag nalaba mga damit.”

Isa sa mga masarap sa pakiramdam bilang nanay o ‘labandera’ ng pamilya ay ‘yung makita mong wala nang labahan ang iyong basket. Pero mas maasaya daw kung may makikita kang mga ‘nakangiting papel’, ‘di ba?

Ikaw, ano’ng kuwentong labada mo? Napangiti ka na rin ba nito?

Post a Comment

Previous Post Next Post