Nakaipon ka na ba o mag-iipon pa lang?
Lahat tayo ay pangarap ang makapag-ipon, ngunit kadalasan iniisip pa lang natin ang perang parating o hawak ay tila kulang pa ito sa gastusin.
Kaugnay sa usapang ipon, ibinahagi ng aktres-komedyante na si Herlene Budol, o si Hipon Girl, ang kanyang teknik sa pag-iipon sa pamamagitan ng isang vlog sa kanyang YouTube channel nitong Pebrero 10.
Bata pa nga lang daw siya ay talagang palaipon na siya ng pera.

Ayon kay Herlene, “Alam n’yo ba ang mga 50 pesos, sobrang naging mahalaga para sa akin, dahil inisip ko siya na hindi pera, so lahat ng ganito ko iniipon ko.”
Noong nakaraang taon lamang pala siya nagsimula magtabi ng pera. “Last year ko lamang siya inumpisahan buong 2021 ko na gagastos ako at sinusuklian ako tigsisingkwenta eh hindi ko ginagastos para maipon ko siya.”
Masaya si Hipon sapagkat hindi niya nararamdaman na marami na pala siyang nahuhulog, kaya ngayon ay kanya na itong bibilangin para sa kanyang uumpisahang negosyo or pang-emergency na pangangailangan.

Nagbigay naman ang komedyante ng ilang mga tips. “Umpisahan mo sa mga limang piso, sampung piso ganyan o ‘di kaya ay magsimula ka sa 20 pesos na barya. Ikaw magstart ka na, akala mo impossible pero magiging possible.”
Hinimok din ni Herlene ang kanyang mga manonood na mag-ipon at simulan na ito.
Ito ‘yung ‘di mo namamalayan ay may naipon ka na pala!
Upang madali tayong makapag-ipon, huwag masyadong maging maluho o bumili ng hindi naman kailangan. ‘Ika nga, isipin mo siya nang mga ilang araw, kung kailangan mo ba talaga ang isang bagay na nais mong gastusan.

Ang naipon niyang pera ay P39,250. Wow! Sa isang taon ay makapagtatabi ka pala ng ganun kalaking halaga mula sa pasingkwe-singkwenta pesos.
Maraming subcribers ang natuwa kay Herlene at na-inspire.
“Nakaka inspire naman po Ms. Herlene”
“Hipon you’re an inspiration. Keep it up. Mabuting anak, mabuting apo. More blessings to you.”
“Wow, ang galing mo Herlene. Tama big encouragement sa iba yan. Good luck.”
Ang video ay may halos 160K views na: