Robin kay Erik Matti: 'You love to talk about freedom but you don’t respect the freedom of others'

Matapos ang pagpapakita ni Toni Gonzaga ng suporta kay BBM ay kaliwa’t kanan ang inabot niyang pambabatikos mula sa ilang netizens at pati na rin sa ilang celebrity friends.

Kinumpirma ng Kapamilya host na si Toni Gonzaga na nagpaalam na siya bilang host ng ABS-CBN reality show na “Pinoy Big Brother” noong Enero 9. Sa kanyang pahayag, sinasabing karangalan niya ang mag-host ng reality show sa loob ng 16 na taon.

“It has been my privilege to greet you all with ‘Hello Philippines and ‘Hello World’ for the last 16 years. I will forever cherish the memories, big nights, and moments in my heart. Thank you Kuya for everything,” aniya.

Samantala, isa ang acclaimed filmmaker na si Erik Matti sa mga nagpahayag ng disgusto kay Toni sa pamamagitan ng isang Instagram post. Bagama’t hindi niya direktang binanggit ang pangalan ng Kapamilya host, may kalakip itong screenshot ng IG story ng PBB host at na may caption na ‘UNBOTHERED’.

“You can do whatever you want with your celebrity power and God’s guidance because this is a free world, after all. But to be brazen, arrogant and snooty makes all of it despicable, disgusting and really crude,” saad sa isang bahagi ng kanyang post.

BASAHIN: Erik Matti slams Toni Gonzaga’s support of Bongbong Marcos: “Brazen, arrogant and snooty”

Nag-react naman ang aktor na si Robin Padilla sa pahayag ni Erik Matti laban kay Toni.

“Ano ba ‘yun napanood mo na sinasabi mo Erik matti? baka propaganda ang ibig mo sabihin. Nakikisawsaw ka pa sa pagbanat kay TONI G,” ani Robin sa kanyang latest Facebook.

Ayon kay Robin, may karapatan din daw si Toni kung sino ang nais niyang suportahan.

 

“Kung may karapatan ka sumuporta sa kandidato mo May karapatan din si TONI G. Hindi ka naman pinakikialaman ng tao sa sinusuportahan mo,”  dagdag pa niya.

“Pa inglis inglis ka pa. Artistic at Political freedom niya ‘yun kung sino ang gusto niya suportahan.”

“You love to talk about freedom but you don’t respect the freedom of others. Director ka, ‘di ba, kasama sa pinag aralan mo ang pag-alam sa two sides ng istorya. Anong makuha mo in Bullying a woman.”

Marami namang netizens ang nagtanggol kay Toni.

“Ang daming bitter galit na galit kay Toni karaptan niya kung sino ang gusto niyang maging presidente hoy ang papait ng kape niyo.”

“Sino ka para mgsalita ng ganyan kay Toni or sa mga taong mas pinili ang nasa kaloobang kandidatorang napupusuan, ikaw ata ang wlang respeto at arogante. Ikaw ang magdidikta sa kung sino ang susuporthan…Asan ang pgiging direktor mo po.”
“We have all the rights to support our choice of leader pls respect our choices need siguro ipaintindi jan kay derik ang salitang respeto.”

Post a Comment

Previous Post Next Post