Pauleen ipinahayag ang suporta sa Lacson-Sotto tandem: 'My hope is in these two men! Men of integrity'

Nagpahayag ang aktres na si Pauleen Luna Sotto sa social media ng kanyang buong pagsuporta para sa presidential candidate na si Panfilo Lacson at sa kanyang running mate na si Vicente “Tito” Sotto III.

Ayon kay Pauleen sa kanyang Instagram account, sinusuportahan niya ang Lacson-Sotto tandem dahil sila ay mga lalaking may takot sa Panginoon, nagpapahalaga sa kanilang pamilya, inuuna ang pangangailangan ng bansa, at nagpapatupad ng disiplina.

“My hope is in these two men! Men who fear the Lord, men who values their families, puts our countrymen’s needs first and implements discipline. Men of integrity,” nakasaad sa kanyang IG.

Binanggit din niya ang 42 taon na pinagsamang karanasan sa serbisyo publiko nina Ping at Tito.

Bukod sa pag-post ng mensahe, nag-upload din siya ng larawan ng asawang si Vic na itinaas ang kamay ng mga presidential at VP candidate na sina Ping at Tito.

“Two of the most experienced, with 42 years of public service (their years put together) I believe that they are who our country needs. True leaders lead by example! Competent, passionate, transparent and God fearing. Lacson-Sotto,” pagtatapos ni Pauleen.

Kamakailan ay inilunsad sa Imus Cavite ang proclamation rally ng Lacson-Sotto tandem, na dinaluhan din ng ilang mga Kapuso stars at Eat Bulaga members.

Si Tito ay kapatid ng komedyanteng si Vic Sotto, ang asawa ni Pauleen.

Si Pauleen Luna ay isang artista at host ng telebisyon sa Pilipinas, na kilala sa pagiging co-host sa programa ng GMA na “Eat Bulaga.”

Ikinasal ang Kapuso star sa legendary comedian na si Vic Sotto. Mayroon silang isang bibo, matalino at mabait na anak na babae na si Talitha.

Basahin: ‘For Tali’: Pauleen dalanging magkaroon ng isa pang anak kay Bossing

Basahin: Pauleen kay Vic: ‘God couldn’t have chosen a better husband for me’

Post a Comment

Previous Post Next Post