Kapag lubos kang nagmamahal, dapat lahat ng pagsubok na dumating sa buhay ninyo ay kayanin n’yo.
Paano mo naman malalaman kapag ‘unconditional’ ang inyong pagmamahalan?
Ito ay kapag alam mo kung paano ninyo tatanggapin, iintindihin ang isa’t-isa at haharapin ang mga pagsubok sa buhay.
Sa Facebook post ng BJMP Balamban MJ, umani ng papuri mula sa mga netizens ang proposal ng isang babae sa kanyang partner na kasalukuyang nakapiit sa Balamban Municipal Jail sa Cebu.
Happy Proposal Day ♥️ It’s extremely rare when a woman proposes to a man let alone mustering enough courage just to show the world how unconditional love can be. Just when you think you’ve seen everything, along comes a brave female visitor ready to profess her love and proposes to one of the PDL of Balamban Municipal Jail. Guess what, he said “Yes!”

Sa tulong ng iba pang mga PDL at jail officer noong Martes, Pebrero 8, 2022, nagawa niyang pasagutin ang kanyang minamahal sa pamamagitan ng kanyang taos-puso pagmamahal.
Napakabihira kapag ang isang babae ay nag-propose sa isang lalaki, lalo na ang pag-iipon ng sapat na lakas ng loob para lang ipakita sa mundo ang ‘unconditional love’ ng isang umiibig.
Maraming netizens ang natuwa at bumilib sa babae. Grabe nga naman daw magmahal ito. Kapag mahal mo talaga ang isang tao ay gagawin mo ang lahat.

Sa panahon ngayon, walang pinipili kung lalaki man o babae ang kumilos basta maiparamdam ninyo sa isa’t isa ang pagmamahal.
“Grabe ang babae na ang propose ngayon…Sana OL …walang pinipili ang love basta pumasok nino man ma akin ka lamang,” komento ng isang netizen.
“Kung iisipin maigi, dapat naman talaga na ang babae ang pumili at mag-decide kung sino gusto niya makasama habang buhay…. Dahil pag mag-asawa na, napakaraming obligasyon o serbisyo o sakripisyo ang gagawin ng babae, para sa pamilya.”

“Sana all. Sana nga pag labas ay magbago ‘yung lalaki kasi galing ako sa ganyang sitwasyon nag antay ako ng mahigit isang taon nag-expect ako na paglabas niya na nagbago siya but sad to say di siya nagbago dahil bumalik na siya sa bisyo na dahilan ng pagkakulong niya.”
“Grabe sana lahat ng babae katulad mo ate, kc kung sa iba ibang babae yan naghanap na ng iba.”