Nakiusap si vice presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte sa kaniyang mga taga-suporta na huwag magkabit ng posters niya sa mga puno.
Ani Mayor Sara, siya mismo ay nagbawal ng paglalagay ng banner sa mga puno noong siya ay vice mayor pa lang kaya hiling niya, sana ay tanggalin at ilipat ang mga election poster niyang nakakabit sa puno.

“When I was a young Vice Mayor ako ang sumulat ng prohibition ng hanging of banners on trees para sa Davao City. Paalala lang po sa mga kaibigan huwag po natin ikabit ang aking banners sa mga puno, please po pakitanggal at ilipat,” aniya sa isang Facebook post kalakip ang ilang mga larawan.
“Nasasaktan po ang mga puno at ayaw natin magalit sila sa akin. Mahalin natin ang mga puno ng Pilipinas!”
Samantala, naglabas din siya ng pahayag kaugnay sa kinakaharap na disqualification case ng ka-tandem na si dating senador Bongbong Marcos.

Ani Mayor Sara, hindi nila ito napag-uusapan ng dating senador at para sa kaniya ay “exceptionally unpleasant” ang mga usap-usapang papalitan niya sa pagka-presidente si Bongbong sakaling manalo silang dalawa sa eleksyon at ma-disqualify ang kaniyang running mate..
“Personally, I find talks about me ‘possibly replacing’ a President Bongbong Marcos exceptionally unpleasant as – in reality – both of us are yet to win the elections. It is putting the cart before the horse,” ani Mayor Sara.

“I am not entertaining the thoughts of a possible replacement as I also do not look forward to a scenario of a disqualified BBM – before or after the elections.”
Naniniwala rin si Mayor Sara na walang basehan ang disqualification cases na kinahaharap ni Bongbong.
“I maintain that the disqualification cases filed against BBM have no basis at all – orchestrated by anti-Marcos forces desperate to regain control of our country, never mind if they sow divisiveness among our people, never mind if they undermine our freedom, nevermind if they make a mockery of our laws.”