Naniniwala si Cristy Fermin na hindi iiwan ni Willie Revillame ang GMA 7 kahit pa naglabas na ng pahayag ang network na matatapos na ang kontrata ng comedian-host nitong buwan ng Pebrero.
Sa article ni Reggee Bonoan ng Bandera, sinabi nitong tiniyak umano sa kaniya ni Nay Cristy na hindi aalis sa Kapamilya network si Kuya Wil dahil kare-renew lamang nito ng kontrata.
“Last November (2021) siya pumirma. Lilipat na sila sa GMA studio sa Monday,” mensahe raw ni Nay Cristy.
Tungkol naman sa usap-usapang lilipat na si Willie sa channel na itinatag ni Manny Villar mula sa nakuha nitong dating frequency ng ABS-CBN, malayo rin daw itong mangyari.
BASAHIN: Kontrata ni Willie Revillame sa GMA magtatapos na; Wowowin hanggang Pebrero 11 na lang
“Hindi pa naman makapag-ere ang mga Villar, frequency lang ang nakuha nila,” ito raw ang naging sagot ni Nay Cristy na kilalang malapit kay Willie.
Hindi ni-renew kaya umalis – Lolit
Samantala, iba naman ang pananaw ni Lolit Solis sa isyung ito.
Sa isang Instagram post, sinabi ni Lolit na ‘unfair’ umanong sabihin na umalis sa GMA si Willie sapagkat ang totoo umano ay hindi talaga ni-renew ang kanyang kontrata.
“In, fact nagbigay (ng) statement ang GMA 7 na wala nang contract sa kanila si Willie kaya wish nila ito ng goodluck sa anuman endeavor na papasukin niya,” ayon sa talent manager.
Wala raw ‘paghahabol’ na nangyari at wala ring alok na ibinigay. Basta, end-of-contract agad, ayon pa kay Lolit.
Naniniwala rin si Nay Lolit na hindi rin inaasahan ni Willie na hindi na ire-renew ang kaniyang kontrata kaya’t hindi rin ito nakapaghanda para sa kaniyang lilipatang istasyon.
“Siguro nga ikinabigla ng lahat iyon mga pangyayari, pero ang maliwanag, tinapos ng GMA7 ang kontrata kay Willie at walang alok na bago kaya hayun, kailangan maghanap ng bagong bahay ang programa niya,” wika pa nito.

Samantala, inaabangan na rin kung ano ang magiging pahayag ng kampo ni Willie hinggil sa pagtatapos ng kaniyang kontrata sa Kapamilya network.
Nitong Biyernes ay naglabas ng pahayag ang GMA na matatapos na ang kontrata ng komedyante sa Pebrero 15 habang ang ‘Wowowin’ umano ay hanggang Pebrero 11 na lamang mapanonood.