Surprise! Ina, labis na 'nagulat' sa biglang pagsulpot ng anak na OFW

Likas na ang pagiging close-knit ng maraming pamilyang Pilipino. Kaya naman sa bawat umuuwing OFW, naroroon ang kasabikan na makita at makasamang muli ang pamilya na matagal ding hindi nakasama.  At para mas masaya ang pagkikita, iba nga naman kung may elemento ng surpresa!

Si Christian Mangunay ay isang OFW na nagtatrabaho sa isang solar company sa Japan simula noong 2017.

Sa apat na taon niyang pagtatrabaho sa Japan ay gusto raw nitong makapag-reunion kasama ang kanyang pamilya kaya naisipan niyang surpresahin ang mga ito.

Sinabi umano ni Christian sa kanyang kapatid na si Rea na gumawa ito ng scenario sa kanilang bahay para ma-surprise nito ang kanyang mga magulang.

Napaniwala naman ni Rea ang kanyang mga magulang sa balikbayan box na idineliver raw sa labas ng kanilang bahay kung saan ay umaakto pa sila na may package sa loob ng sasakyan.

Nang magbukas ng likod ng sasakyan ay bigla na lamang may sumigaw mula sa kanilang likuran.

Laking gulat nila nang biglang sumulpot ang OFW na tumakbo pa palapit sa kanila. Agad naman itong nilapitan at niyakap nang mahigpit ng kanyang ina na muntik pang mapaupo sa kalsada na tila nanghina ang mga binti sa kabiglaanan at labis na tuwa.

Naging emosyonal silang lahat lalo na ang kanyang ina na halos hindi na siya binitawan sa pagkakayakap habang may pag-iyak pa dala ng labis na kaligayahan.

‘Yung next month pa sana sila mag-aabang pero biglang nasa harapan na nila! Sino’ng hindi magugulat?

Nilapitan din ni Christian ang kanyang ama at niyakap ito.

“Sabi December pa daw eh,” ani ng ina ni Christian. Muli naman itong niyakap nang pabuhat ng kanyang anak. Hay! Sarap makakita ng pamilyang ganito.

Sinabi kasi ni Christian sa kanyang pamilya na naka-schedule siyang umuwi sa Pilipinas noong Disyembre 2021 pero ang katunayan nito ay dumating na ito sa bansa noong Nobyembre 2021 pa lang.

Pagkatapos ng kanyang mandatory quarantine ay deretso nang umuwi si Christian sa kanilang bahay para sa simpleng surprise reunion niya sa kanyang pamilya.

Kung hindi dahil sa kanyang kapatid na babae at mga kaibigan ay hindi mangyayari ang ganitong eksena.

“Ang sabi ko, ‘Ma, nasa labas na daw ‘yung package ni Tantan’ so lumabas na kaming lahat,” ani Rea.

“In-open ko na lang ‘yung camera ko para mag-video pero ang totoo, hindi ko na alam kung anong surprise ang mangyayari.”

Katunayan nga niyan ay Oktubre 2020 raw dapat ang kanyang uwi sa Pilipinas ngunit pina-reschedule niya ito dahil sa COVID-19 pandemic.

“Randam naman po siguro sa mga boses namin na nag-iiyakan kami. Super proud din ako sa brother ko, lahat naman kami proud kaming lahat kung ano man mga na-achieve namin sa ngayon,” ani Rea.

Ibinahagi ng Philippine Star ang nakaaantig na video ng pamilya ni Christian: A Mother’s Love”  This mother from Parañaque couldn’t help but become emotional when she finally reunited with her OFW son after four years.

Post a Comment

Previous Post Next Post