Sen. Ronald 'Bato' dela Rosa nais na suspindihin ni Pangulong Duterte ang e-sabong operation

Sinabi ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na aapela siya kay Pangulong Rodrigo Duterte na ihinto muna ang operasyon ng online o e-sabong sa Pilipinas.

Ang senador, na kilalang kaalyado ng Pangulo, ay nagsabi noong Biyernes na ang Committee on Public Order and Dangerous Drugs ay magpapadala ng kopya ng resolusyon sa Pangulo ‘right away” kapag napirmahan na ito ng mga senador.

“Personally as his friend and ally, magbigay rin ako sa kanya (Duterte) ng advice kung anong dapat gawin at at ito ang maganda, ihinto muna ang e-sabong operations nationwide hanggang hindi mabigyang-linaw itong ongoing investigation,” sinabi ni Dela Rosa sa isang virtual na panayam.

“Dahil ayaw nating madagdagan pa ng missing persons,” ani Bato.

Kapag ipinagpatuloy pa rin ang e-sabong operations, ani dela Rosa, ay maaaring magresulta sa mas maraming kaso ng mga sabungero ang mawawala na naman.

Sinabi ni Dela Rosa na nakatakdang magsagawa ng panibagong pagdinig ang kanilang komite sa Marso 3.

Ngunit kailangan muna niya na i-regulate ang mga operasyon ng e-sabong, lalo na ang dalas ng laro, ang kinakailangang edad ng mga tumataya, at ang proseso ng pagtaya.

Sinabi rin ng dating hepe ng pulisya na kanilang tinutuklas ang tanong kung kailangan o hindi ng legislative franchise ang mga e-sabong operators.

“Dapat limitahan ang frequency ng sabong dahil 24/7 walang hinto. Kung isang upuan mo lang at the comfort of your bedroom with your cellphone panalo ka na kaagad or talo ka na agad. Napakabilis isang ganun lang ng cellphone… hindi mo alam, within that day, nalubog ka na sa utang,” saad ng dating pulis.

“We have to regulate it para hindi ito magresulta ng masasamang pangyayari sa ating lipunan. Yung addiction talaga ng sabong ay napakasama at marami talagang mangyayaring krimen dahil sa addiction na yan,”giit ni dela Rosa.

Bilang dating pulis, sinabi ni dela Rosa na may posibilidad na wala na ang mga nawawalang sabungero.

“Sana kung buhay pa, sana ma-release nila,” ani dela Rosa.

Gayunpaman, nanawagan si dela Rosa sa mga nakakaalam sa nangyari na lumapit sa pulisya o sa kanyang komite.

Pinayuhan ni Dela Rosa ang publiko na iwasan ang mga bisyo.

Ayon pa kay Bato, “Basically gambling is evil… immoral talaga yung gambling, whether legal or illegal. It’s plainly immoral.”

Sa ngayon ay nasa 39 katao na ang nawawalang sabungero.

Ibinahagi ng Inquirer ang pakikiusap ni Sen. dela Rosa sa mga tao sa likod ng mga pangyayari na sana’y palayain na ang mga nawawalang sabungero.

Post a Comment

Previous Post Next Post