Toni Gonzaga nag-host sa proclamation rally ng UniTeam nina Bongbong at Sara

Ginanap na ang proclamation rally ng UniTeam nitong alas 4 ng Pebrero 8 sa Philippine Arena, sa Sta. Maria, Bulacan

Ang actress-singer na si Toni Gonzaga ang naging host nina presidential aspirant Bongbong Marcos at vice-presidential aspirant Sara Duterte  sa proclamation rally bilang  kick off sa kanilang kampanya.

Ang kaganapan, isang pre-ticketed program na livestreamed sa Facebook page ng Uniteam BBM-Sara, ay umani ng libu-libong tagasuporta sa arena sa lalawigan ng Bulacan, sa kabila ng lumalaganap na COVID-19 pandemic.

Ang Philippine Arena ay may seating capacity na hanggang 55,000 ngunit ang mga dumalo ay limitado sa 25,000 dahil sa pandemya.

 

 

Kumalat sa iba’t ibang social media platform ang naging rehearsal ni Toni habang kumakanta ng ‘Ako ay Pilipino’ sa nasabing venue.

Noong nakaraan taon Setyembre 24, 2021, ay bumuhos ang kritisismo kay Toni nang isagawa niya ang panayam kay BBM, sa kaniyang talks show vlog na ‘ToniTalks’.

Sinabing isa raw ‘Marcos apologist’ ang multimedia star.

Agad namang nagsalita si BBM at dinepensahan ang inaanak sa kasal na si Toni.

“Nagulat ako, bakit naman inatake si Toni? Ginagawa niya lang ang trabaho niya as a vlogger. Lahat naman ini-interview niya, wala naman siyang pinipili. Kung tignan mo ang ini-interview niya, iba-iba,” paglalahad ni Marcos, Jr.

“Kung nagagalit kayo sa akin, okay lang, pero wala namang kasalanan si Toni,’ dagdag pa ni BBM.

“Bakit n’yo naman inaano [inaatake] si Toni Gonzaga. She’s a vlogger, she’s not a journalist. Although I have to say, she does a better job than some of the journalists,” papuri pa ni BBM sa host.

Sa Facebook page na ‘BBM SARA Worldwide Supporters’, ibinahagi naman ng Kapamilya host at tumatakbong kinatawan ng party-list na ‘Tingog’ na si Karla Estrada ang poster ng hosting ni Toni sa proclamation rally ng UniTeam.

Samantala, maraming BBM-Sara supporters ang nagalak dahil si Toni ang magiging host ng proklamasyon dahil mahusay at de-kalibre na raw ito para sa naturang gawain.

Sa kasalukuyan ay regular main host si Toni ng reality show na Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Adult Edition.

 

Post a Comment

Previous Post Next Post