Vice Ganda dismayado sa fake news hinggil sa kaniyang naging‘reaksyon’ umano kay Toni

Pinabulaanan at tinawag na fake news ni Vice Ganda ang kumalat na video sa TikTok hinggil sa kaniyang naging reaksiyon umano kay Toni Gonzaga.

May nagbahagi kasi ng mga videos sa TikTok kung saan sinasabing ‘galit na galit’ daw siya sa magkapatid na Toni at Alex Gonzaga dahil sa kanilang pagiging supporters ni presidential aspirant Bongbong Marcos.

 

May isa namang version na nagsasabing hindi raw nakaka-GV (good vibes) ang ginawang pag-host ni Toni sa proclamation rally ng UniTeam at maging ang pagbitiw nito bilang host ng Pinoy Big Brother.’

“Andaming fake news at wrong informations sa TIKTOK! Haaaay!!!! Mga contents na pag-aawayin ang mga tao,” anang komedyante sa Twitter.

Dagdag pa ng komedyante, sana raw ay huwag hayaang magpabiktima ng mga ganitong maling impormasyon na layong galitin lamang ang publiko.

“Uudyokin kayo para magalit. Andaming masamang tao na lalong pinagugulo ang mundo. Wag kayong pabiktima,” anito.

Ang clip na nagsasabi siyang ‘hindi nakaka-GV’ ay kinuha lamang pala sa kaniyang vlog noong April 2021, ayon sa ABS-CBN News.

Ito ay edited lamang umano at hindi kailanman patungkol sa magkapatid na Gonzaga.

“Sobrang rampant na yung dumudukot sila ng iba’t ibang clips from different sources tapos tinatahi para makabuo ng isang peke at maling video,” lahad ng ‘It’s Showtime’ host.

“Ang evil! Tapos ‘yung mga tao naman nahuhulog sa patibong at nagko-comment ng masasama. Maging mas mapanuri sa mga contents na paniniwalaan,” dagdag pa nito.

Kilalang malapit na magkaibigan sina Vice Ganda, Toni Gonzaga at Alex Gonzaga.

Katunayan nagkasama na ang komedyante at si Toni sa pelikulang “This Guy’s in Love with U Mare!”, habang si Alex naman ay nakasama niya na rin sa “The Amazing Praybeyt Benjamin”.

Post a Comment

Previous Post Next Post