'Hindi ako maghihiganti': Andrea Torres, 'di reresbak kung may mang-aagaw ng mahalaga sa kanya

Hindi umano nakikita ng aktres na si Andrea Torres ang kanyang sarili na maghihiganti sa iba kung sakaling maagaw ng isang tao ang isang bagay na itinuturing niyang napakahalaga para sakanya.

Ibinunyag ng aktres na hindi siya ang tipo ng tao na magagalit lang kapag nangyari ang ganoong bagay hanggang sa puntong maghihiganti na siya sa iba.

Sa Mars Sharing Group: What If Edition’ segment ng Kapuso show, Mars Pa More, tinanong si Andrea kung ano ang gagawin niya sakaling may magtaksil sa kanya at mang-agaw ng isang bagay na mahalaga sa kanya.

“What if pinagtaksilan ka at inagaw sa iyo ang isang bagay na alam mong para sa iyo talaga? Aabot ka ba sa puntong maghihiganti ka?” tanong ni  Iya Villania na co-host ng show.

Tugon ni Andrea na hindi siya maghihiganti dahil hindi siya naniniwala doon, at idinagdag pa na magdadala lamang ito ng labis na sama ng loob kung maghihiganti siya.

“Hindi ako maghihiganti. Hindi talaga ako naniniwala sa ganu’n. Kasi mayroon ka pang dadalhin na bigat sa sarili mo. Makukunsensiya ka pa,” sagot ng aktres.

Dagdag pa ni Andrea, kung talagang para sa iyo ang isang bagay o tao, gagawa ng paraan ang tadhana para maibalik ito sa iyo.

“Kung para sa ‘yo talaga, mapupunta rin naman sa ‘yo. Magkakaroon ng way para babalik sa ‘yo,” paliwanag ni Andrea.

Sumang-ayon si Iya sa sagot at paliwanag ni Andrea, at idinagdag pa na kung ang isa ay maghihiganti, siya ay tuluyang matatalo at habang buhay na may ngitngit sa puso.

Tama naman talaga si Andrea! Dapat maging masaya lang sa buhay. Kung may problema man o hindi napagkakasunduan ay ipaubaya ito sa Diyos, ipagdasal ang mga bagay bagay para maibsan ang iyong nararamdaman.

Panoorin ang Mars pa more (3:11) episode:

Post a Comment

Previous Post Next Post