Chito Miranda masayang ikinuwento ang 'pagkakabalik' sa kanya ng nawalang wallet

“NANINIWALA talaga ako na mas marami pa rin talagang mabubuting tao sa mundo!”

Ang frontman ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda ay nag-post sa social media kaugnay sa kanyang pitakang nawala nang nasa Batangas siya.

Ayon kay Chito, malakas ang kanyang pakiramdam na mababalik pa ang kanyang wallet dahil nararamdaman niyang makukuha niya itong muli.

Sa kanyang Instagram, account, ipinost ni Chito ang tinutukoy niyang wallet at sinabi niya sa caption, “Last Monday, nagpunta ako sa Pico de Loro to do some errands (para magbayad ng home owner association dues, para i-check yung renovations sa isang unit ni Neri, and yes, para tumambay na rin sa beach sandali since nandun na rin ako).

“Pag-uwi ko sa Alfonso, napansin ko na nawawala yung wallet ko,” kuwento ng mister ni Neri sa kanyang social media followers.

Pero aniya, may gut feeling siya, “Honestly, hindi ako na-stress kasi feeling ko babalik din naman siya sa akin.

“After checking with our caretakers sa condo, the bldg admins, pati yung mga head ng beach club, they sadly informed me na wala daw silang nahanap na wallet.”

“I had no choice but to block all my cards, just to be safe…pero feeling ko, mahahanap ko pa rin naman yung wallet ko,” pagpapatuloy pa ni Chito.

Kinabukasan ay may dumating na nga raw na mensahe sa kanyang asawang si Neri Naig, “Napulot daw ng asawa niya yung wallet ko sa kalye.”

“Nahulog siguro nu’ng nag-scooter ako around Pico, driver daw for a construction company ‘yung asawa n’ya, at hinatid nila sa reception area ng condo namin ‘yung wallet,” dagdag pa niya.

“Kumpleto lahat, kahit ‘yung cash,” pagkukuwento ng OPM icon.

Sobra ang pasasalamat ni Chito sa lahat ng mga taong honest at hindi mapagsamantala.

Ngayon daw niya mas napatunayan na napakarami pa ring mabubuting tao sa mundo na mas pinipiling maging makatao kesa magsamantala sa kapwa.

Post a Comment

Previous Post Next Post