Ana sa ex-BF na si Kit: Ang love hindi agad mawawala pero tuloy ang kaso

Sa unang public appearance niya matapos mauwi sa pisikal na pananakit ang hindi nila pagkakaunawaan ng dating kasintahang si Kit Thompson, naging emosyonal ang aktres na si Ana Jalandoni habang inaalala ang mga nangyari dalawang linggo pabalik habang nasa Tagaytay City sila ni Kit.

ana kit

Kasama ang kanyang kampo sa isang press conference sa Quezon City, mariing sinabi ni Ana na hindi tama ang ginawa ni Kit sa kanya at hindi niya “deserve” lahat ng sakit na naramdaman niya.

“Hindi ko deserve ‘yong nangyari sa akin. Kailangang ipaglaban ko ang sarili ko,” wika niya habang ipinagdidiinan na walang third party. Bagama’t inamin niyang kinasal siya noong 2017 sa United States, nilinaw ni Ana na 2018 pa natapos ang kanilang relasyon.

Dahil dito, naniniwala ang aktres na kahit hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya sa ex-boyfriend, nararapat lamang na ituloy niya ang mga kaso laban dito.

“Ang love naman hindi agad mawawala, nandiyan pa ‘yan, pero itutuloy ko pa rin ang kaso laban sa kanya,” aniya.

ana kit

Bukod sa complaint na isinumite sa Philippine National Police noong March 19, dadagdagan pa ni Ana ng dalawa ang mga kaso laban kay Kit: frustrated homicide and illegal detention.

Matatandaang minsan na ring naglabas ng nararamdaman si Ana sa pamamagitan ng kanyang Facebook page. Nagbigay din siya ng babala sa ibang mga kababaihan para maiwasan na mangyari sa kanila ang naganap sa kanya.

“When you love someone, you will never ever harm them. Minahal mo ba talaga?” saad niya sa caption ng mga litrato niya, kabilang na ang larawang kuha matapos maganap ang nangyari sa pagitan nila ni Kit.

“This is me saying, you all should be careful out there,” dugtong niya.

ana kit

Nobyembre noong nakaraang taon nang tawaging “baby” ni Kit si Ana sa Instagram. Sa kalaunan ay nagsimula na rin silang magbahagi ng mga larawan nila na magkasama at tuluyan nang isinapubliko ang kanilang relasyon.

Post a Comment

Previous Post Next Post