Dating pizza delivery boy, CEO na ng financial consulting firm sa Canada

Mula sa pagiging isang high school dropout at pizza delivery boy, si Frederick Montilla ay isa na ngayong investment advisor.

Si Frederick Montilla ay hindi nakatapos ng high school kaya’t hindi rin nakapag college ngunit naiangat niya ang kaniyang sarili habang naninirahan sa Canada.

Aniya sa isang panayam ng Philippine Embassy sa Canada, taong 1990 raw nang makarating sa Canada ang mga magulang ni Fred. Pagkalipas ng tatlong taon, ay pinetisyon silang magkakapatid.

“Hindi ako naka-graduate ng college, e hindi din ako nakatapos ng high school,” aniya sa panayam ni Ron Gagalac ng OMNI News Filipino noong December 13, 2021.

“Nung 18 kasi, I had my firstborn, so I was forced out of school,” pagbabahagi niya.

Nagtrabaho siya bilang pizza delivery boy para lamang mabuhay niya ang kaniyang pamilya.

Nang makilala niya ang isang mayamang Canadian na nagpapatakbo ng isang wealth management firm, dito na nagbago ang takbo ng buhay ni Fred.

“When I got to his house, his bird cage is bigger than my entire apartment. So, sabi ko sa kanya, ‘Jack, you must be a millionaire.’ So, sabi niya, ‘I am.’”

“So, sabi ko, ‘What should I do… what can I do to do what you do?” tanong niya umano sa Canadian.

“So sabi niya lang, ‘Why don’t you start [as a] mutual funds salesman?’ back then. So dun nag-start ‘yung career ng finance.”

Nagtrabaho si Frederick sa kumpanya ni Jack. Nag-telemarketing din siya. Pinagsabay-sabay niya ang tatlong trabaho noon. 400 katao raw ang tinatawagan niya araw-araw bilang isang Telemarketer.

Hindi nagtagal ay itinayo ni Fred ang Montilla Private Wealth, ang kanyang sariling financial firm sa Calgary, Alberta. Siya ang president at chief executive officer (CEO) nito.

“Tinutulungan namin ‘yung mga clients namin to start with investment. Kung ano ‘yung mga types ng investments that can grow your money, like stocks, bonds, mutual funds, and real estates.”

Ayon kay  Fred ang nagiging sagabal sa pag-asenso ng isang tao ay ang laging pangungutang, kaya paalala niya ay iwasan ito.

“When I look back from where I started to where I am, it’s just a testament when you work hard, and you believe you can do it.”

“Then you sacrifice, lots of hard work, lots of long hours, and then eventually you will get to your destination.”

Be inspired. Watch this!

Post a Comment

Previous Post Next Post