Doc. Vicki Belo: 'One of my Valentine’s wish' na makasayaw si Hayden Kho, finally

Natupad na rin sa wakas ang hiling na pang-Valentine’s ni Dr. Vicki Belo na makasama sa dance video ang kanyang asawang si Dr. Hayden Kho.

Sa isang video na ipinost ng sikat na doktor sa kanyang Instagram account, ipinakita nila ni Doc Hayden sa lahat ang kanilang mga cool na dance moves.

“One of my Valentine’s wish was for @dochayden to do a dance with me … Finally , here it is ! Presenting Hayden as part of the #BackStretchBoys,” nakasaad sa caption ni Doc. Vicki.

Talagang game na game at magaling pa rin sumayaw si Vicki na sinasabayan ng kanyang asawa na si Hayden, Nahihirapan man sa steps ay pilit na ginagaya ang asawa.

Sa comment section makikita na nag-iwan din ng komento si Hayden, “That’s it na. Quota na for the year ok @victoria_belo?”

Marami ring followers ang nag-react  sa ‘pagpalo’ ni Hayden sa ulo ng doktora sa dulo ng video, “‘Yung pagsampal sa dulo eh,” ani ng isang commenter.

“Kaya Dr. Vicky will always be young forever … she dances & have fun”

“Dancer pala c Doc. Galing”

“@dochayden be like…. “Kalokohan mo” @victoria_belo cute”

Sa isa pang video sa IG ay nag-group ‘Paru paro’ dance challenge din sila na pinusuan naman ng marami.

Kamakailan lamang ay sinurpresa ni Doc Hayden ang asawang si Vicki sa kanyang pangarap na luxury car, isang bagong Bentley sedan para sa kanyang kaarawan, na tinutupad ang isa pa nitong kahilingan.

“What do you give to someone who has everything? watch @victoria_belo’s YouTube this Thursday as I take over her channel for my very special Valentine surprise,” ani Hayden sa kanyang IG.

Si Dr. Vicki Belo ay isang sikat na dermatologist at personalidad sa telebisyon sa Pilipinas at siya ang founder, CEO, at Medical Director ng Belo Medical Group. Kasal siya sa kapwa doktor na si Hayden Kho at mayroon silang anak na pinangalanang Scarlet Snow Belo.

Post a Comment

Previous Post Next Post