"Kuya, 'wag! Don't you dare!!!" Netizen nakiusap na huwag palitan ang presyo ng gasolina

Nag-viral ang video ng isang netizen matapos nitong pabirong makiusap sa dalawang gasoline attendant na itigil na ang pagpapalit ng numero ng price board ng isang oil station sa San Miguel, Bulacan noong Huwebes, Marso 10.

Ang nag-upload sa Facebook ay nakilalang si Joaquin T. Palmones II. Mabilis na nag-trending ang video na humakot na ng mahigit 1M views at 26k shares at 41k reacts, as of posting.

“Lahat naman siguro gagawin ang makakaya mapigilan lang si kuya za true??? WAG KOYAAAAA!!!!!” ayon sa post ni Joaquin.

‘Yung nakita mo nang mataas na ang presyo tapos babaguhin muli upang mas taasaan pa, mapapasigaw ka na lang, “KUYA, ‘WAG! DON’T YOU DARE!”

Sinabi rin ng uploader  na si Joaquin sa Inquirer na matagal na niyang stress reliever at hobby ang mahabang road trip.

Sa kamakailang pagtaas ng presyo ng langis, idinagdag niya na wala siyang pagpipilian kundi ang magtiis at umasa na ang magiging pinuno ng bansa ay may kakayahan na tumulong sa bansa sa mga tuntunin ng inflation.

May mga ilan din na nagkomento na relate sila sa nararamdaman ni ate, “Aray ko ramdam ko puso ni Ghorl!”

Isang netizen ang nagbahagi ng larawan kung saan ginunita ang mababang presyo ng gasolina noon, “Memories na lang ang lahat.”

“Magmamahal na naman… napag utusan lang si kuya. Hehe don’t you dare..”

“Kuya pag usapan natin ‘to huhu”

Pero na talaga naawat si Kuya na palitan ang mga numero sa bagong presyo. huhuhu

Panoorin ang ipinost ni Joaquin.

Basahin: ‘Kapag mahal mo i-date mo sa mamahaling lugar’ post kinagiliwan

Kamakailan ay nag-viral din ang magkasintahan na nag-date sa isang gasoline station at sa ibinahaging larawan ay sinabing, ‘Kapag mahal mo i-date mo sa mamahaling lugar.’

Ani Jess sa comment section, “Haha hello mga sis wag papayag na hindi kayo idate sa gasoline station, mahal kaya diyan.”

Dahil sa tensyon sa pagitan ng dalawang bansang Russia at Ukraine ay apektado rin ang pagtaas ng presyo ng gasolina at krudo. Kaya naman apektado rin ang mga biliin at iba pa nating pangangailangan. Halos araw-araw ay sumisirit pataas ang presyo ng gasolina kaya’t hindi kataka-takang tawagin itong isang ‘mamahaling lugar.’

Post a Comment

Previous Post Next Post