Pacman's Junior Jimuel Pacquiao wagi sa kauna-unahang US Amateur Boxing Fight

Ang anak ni Sen. Manny Pacquiao na si Emmanuel ‘Jimuel’ Pacquiao Jr. ay nagwagi sa kauna-unahang amateur boxing fight laban sa Mexican-American Andres Rosales na ginanap noong Sabado, Marso 12 (Linggo, Marso 13, PST).

Ginanap ang laro sa House of Boxing Training Center sa San Diego, California, USA.

Ipinagmamalaking ibinalita ito ng ama na si Manny sa kaniyang Instagram account. Bago pasukin ang politika, nakilala at sumikat muna si Pacquiao bilang eight-division world champion sa larangan ng boxing, at itinuturing na ‘Pambansang Kamao’.

“Congratulations to my son @pacquiao.emmanuel on fighting and winning his first U.S. amateur fight at junior welterweight! I’m so proud of you. #TeamPacquiao,” proud na ibinahagi ni presidential candidate sa kanyang post.

Nakuha ng 20-anyos ang panalo para sa three-round junior welterweight sa pamamagitan ng desisyon ng mga judges.

Determinado na ipinagpatuloy ang karera sa boksing, pinili ni Jimuel na manatili sa Estados Unidos upang magsanay matapos matalo ang kanyang ama kay Yordenis Ugas noong Agosto 2021 at kalaunan ay nagretiro para tumakbo sa pagkapangulo ng Pilipinas.

Sa ilalim ng tagapagsanay na si Marvin Somodio, nakuha ni Jimuel ang kanyang lisensya sa boxing sa US noong Disyembre.

Tulad ng kanyang ama, kinatawan ni Jimuel ang Wild Card Boxing Club ni Freddie Roach sa Hollywood. Si Rosales, na nasa kanyang ikalawang laban, ay kumakatawan sa Rain Cross Boxing Academy ng Riverside, California.

Marami ang bumati sa anak ni Pacman at nagsasabing si Jimuel na nga ang magpapatuloy ng legacy ng ama pagdating sa larangan ng boxing, “The next Pacquiao.”

“Congratulations …. Calves just like your dad…”

“Congratulations..Siya ang susunod sa yapak ni Manny. Go team Pacquiao. Manny for President!”

“Congrats to Emmanuel, wishing him more success and greater heights.”

“Congratulations may pinagmanahan of course sa dad niya. God bless you.”

“Wow, the legend continues…”

Post a Comment

Previous Post Next Post