'Bye for now Manila': Brenda Mage nagpaalam muna sa showbiz, balik probinsya na

Ang aktor-komedyante at social media influencer na si Brenda Mage ay nagpaalam na muna sa showbiz. Pagkalipas ng mahigit 15 taong paninirahan sa Manila ay muli na itong babalik sa Misamis Oriental.

Nagbahagi ng larawan ang komedyante na nasa airport kamakailan lang at sinabing babu muna siya sa mundo ng showbiz.

“Bye for now Manila … after 15years of staying here since 2007, I was only 17yo starting to pursue my Dreams to become a Celebrity haha …. Makakauwi na ko ng Probinsya maybe not for Good pero matatagalan talaga,” aniya sa kanyang caption sa IG.

Dahil nakapag-ipon na si Brenda ay gusto muna niyang muling makapiling ang kanyang pamilya.

“Nakapag ipon na rin kahit papano Time to focus for my family and future naks hahaha…. Goodbye Showbiz muna mejo natupad na rin lahat ng Pangarap ko sa Showbiz Industry,” ani Brenda.

Sinabi ng aktor na natupad na rin ang kanyang pangarap. Inisa-isa nito ang mga programang nagawa niya tulad ng teleseryeng, ““Ang Sa Iyo Ay Akin” with Jodi Sta. Maria na ipinalabas noong 2021, ang iWantTFC series na “Single Lady” pati na ang mga pelikulang “Huwag Kang Lalabas” (2021), “Bar Boys” (2014) at iba pa.”

Sa kanyang post ay sinabi rin niyang isang pangarap lamang daw ang hindi pa niya natutupad,  “Yung makaharap si Ms. Kris Aquino, ‘yun lang ata ang pangarap ko na hindi natupad. Waaah.”

Nataon na rin kasing nag-lie low na sa telebisyon ang tinaguriang Queen of Media dahil sa hindi magandang lagay ng kalusugan nito.

Ayon kay Brenda, masaya siya sa mga kaibigan niyang natupad ang mga pangarap at siya naman ay magsisimulang tuparin ito ngayong pag-uwi niya kapiling ang pamilya.

“Yung pangarap ko na mga Friends ko would have their Own Happy life too may Bahay na rin sila at yung iba na-renovate na rin nila.

“Thank you po Lord for giving me the Chance to make my Dream into Reality. Tapos na ang aking pansariling Pangarap, balik na sa Simpleng Buhay. NOTHING IS IMPOSSIBLE IF YOU BELIEVE IN YOURSELF AND TRUST GOD.

“PS: Bitbit ko dati karton at Kulambo…ngayon naka-Dior (fake din naman) na pero anjan pa rin ang Kulambo ha ha at naka-Airplane na ko dati Barko he he,” pagtatapos ng aktor.

Post a Comment

Previous Post Next Post