Ang mga alagang aso ay itinuturing na kapamilya ng marami, ngunit tagabantay rin ng tahanan kung sakali man na may magtatangkang manloob sa bahay.
Gayunpaman, nag-trending online ang TikTok video ni Hans Dowel kung saan relate na relate ang mga fur parents. Aniya, “so sino nga ba ang aso saming dalawa?”
Ipinakita niya sa video na tila baliktad na ang mundo dahil ang mga alaga na dapat magbantay ng bahay ay siyang binabantayan na ngayon ng kanilang fur parents.

Ayon kay Hans, dalawang taon na niyang inaalagaan ang kaniyang aso na si Trixie na kadalasan ay clingy kaya nagtatampo ito tuwing lumalabas siya ng bahay at kailangang suyuin pa ito.
Iba kasi ang panahon noon sa ngayon? Noon, kapag lumalabas ng bahay ang mag-anak para mamasyal ay tanging ang aso lamang ang naiiwan sa bahay upang magbantay ng kanilang tahanan.
Pero ngayon, kailangan nang may maiiwan na isa sa bahay para lang may kasama ang aso! Sinong madalas matoka dito? hahaha

Minsan ay sobrang emosyonal pa ang ilang amo kapag iniiwan nang mag-isa ang mga alagang aso o kapag matagal na nawala ang may-ari ng bahay.
Ilang netizens naman ang nagbahagi ng kanilang karanasan pagdating sa kanilang mga alaga.
“True yan kaya di kami nakapagbakasyon sa Batangas kasi walang magbabantay sa 2 pusa at aso namin, tuwing saturday delivery ng paninda namin at nasa school ang anak ko sila lang naiwan mabilisan lang ang uwi namin nag alala kami kahit isang oras lang.”
“Hahaaa!! oo nga pag aalis ka tas malayo puntahan mo, ung isip mo nasa mga alaga mo tas maiiyak ka na pag alis ka, kawawa kasi pag maiiwan sila.”

“Parang ako din, di makaalis nang matagal gawa ng aso, walang magpapakain magbigay ng tubig at magpapaligo.”
“Relate much..’Yung alaga ko super iyakin kahit d’yan lang ako sa kapitbahay namin nakikimarites, ayun bintana namin butas ang screen hindi rin kami nakakaalis ng bahay kaya kada alis namin kasama, minsan naiiyak na lang ako kc magastos pamasahe sa taxi para lang hindi maiwan..kaya tuwing may okasyon sa pamilya namin nag-iisip kami kung pupunta ba o hindi na lang kasi walang magbabantay sa alaga ko.”
Kaya naman ang tanong ng marami?
@hansdowel Reply to @leksil.dee so sino nga ba ang aso saming dalawa? 😠#fyp #hansdowel ♬ original sound – Hans Dowel
Isa pang ibinahagi niyang video ay ang nakatutuwa (at nakakainis minsan) na “balahibo everywhere” na nararanasan ng pet owners. Marami ring naka-relate dahil hanggang sa pagpasok sa trabaho o sa paaralan, o kung saan man magtutungo ay may mga bakas ng alaga sa kanilang damit o katawan. Yes, mga balahibong kung saan saan nagkalat at napadidikit.
Panoorin:
@hansdowel balahibo talaga kahit saan 😠#fyp #hansdowel ♬ original sound – Hans Dowel