Confident na ipinakita ng comedienne-singer at tinaguriang ‘Dental Diva’ na si Kakai Bautista ang kanyang pigura sa mga larawang ibinahagi nito sa kaniyang social media account.
Sa kanyang Instagram, in-upload ni Kakai ang mga larawan niya noong Marso 26, 2022. Kaugnay ito sa National Women’s Month.
Makikita ang kanyang ‘inat pose’ na ang shooting location ay sa kakahuyan. May disclaimer siya sa unahan pa lamang ng kaniyang post.

“Hindi ako titigil! Uumayin ko kayo,” aniya. “Hindi ako titigil na i-remind kayo na anomang hugis, hitsura at kulay n’yo, YOU ARE BEAUTIFUL and you should be PROUD dahil sa inyo lang ‘yan. BABAE!! sa ‘yo lang ‘yan, walang puwedeng umangkin n’yan.”
“Always believe in the POWER of your BEAUTY,” paalala niya sa mga kapwa babae.
Marami naman ang pumuri at nagbigay ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.
“Absolutely stunning!! Truly a queen!”

“Absolutely gorgeous!!! We’re all beautiful women in our own special way.”
“Sana all may ganyang mindset kasi yung iba na walang ginawa kundi manlait, grabe akala nila perfect sila, may mga nakasama ako sa work akala ko true friends pero di pala, they make of fun of me especially at my back…”
“Yes, feed us with your positivity kween!”

Kamakailan lamang ay nagbahagi ito sa kanyang Facebook wall patungkol sa mga kabataang salaula.
Basahin: Kakai Bautista, may paalala sa mga kabataan: “Matuto muna kayong maglaba”
Paalala ng aktres sa mga kabataan na nag-iinarteng adult sa social media na matuto munang maglaba ng underwear: “Kahit may katulong pa kayo sa bahay, kayo dapat ang naglalaba nyan. NO TO SALA-ULA,” aniya.
“Kayong mga kabataan, bago kayo mag-aarteng adult sa social media, matuto muna kayong maglaba ng mga panty at brief n’yo,” aniya.