'There is always love': Anak na galing sa break-up sinurpresa ng mga magulang noong V-Day

Ano’ng mararamdaman mo kapag sinurpresa ka ng iyong mga magulang nang nalaman nilang kagagaling mo lang sa failed relationship?

Kagagaling lamang umano noon sa break-up ni Maria nang surpresahin siya ng kaniyang mga magulang sa araw ng mga puso noong Pebrero 14, 2022.

Sa inupload na video ni Maria sa Tiktok ay sinurpresa siya ng kaniyang nanay at tatay kung saan may dala silang balloons at bulaklak noong araw ng mga puso .

Ang pagpapakita ng ganitong pagmamahal sa kanilang anak ay sobrang nakaantig sa mga netizens kaya umabot ng mahigit 2 million ang views ng video.

“When your parents know you failed your 7-year relationship then they suprised you because they know that no one sends you flowers. Thank you. I love you so much. you’re always on my side no matter what,” ani Maria sa kaniyang caption post.

@mariaaaaa460When ur parents knows u failed ur 7 years relationship then they surprised cause they know that no one send me flowers 💐 Thankyou. I love you so much both u always at my side no matter what 🥺😭♬ original sound – rennyxaudios

“‘Di ko akalain na bibigyan nila ako ng Valentine’s gift. Parang heart ‘yun. So ayun, na-shock ako. At that time, mag-ti-tiktok sana ako ta’s nagpapahinga ako sa shop nun, tas sabi ng staff ko, ‘ma’am andito ‘yung parents mo,'” kuwento ni Maria sa isang PhilStar video.

“Na-shock talaga ako, so hindi ‘yun plinano ang pag-record talaga, since ‘yung music timing lang talaga,” dagdag pa niya.

Gustong ipakita ng 67-year-old na nanay ang kaniyang pagmamahal sa anak na si Maria lalo pa’t kagagaling lamang nito sa 7-year na failed relationship.

“Nakita ko ‘yung mga flowers. I said ‘I’m going to buy these, I’ll give these to Maria because I love Maria so much as my daughter,” ani Nanay Rita.

Sa kabila ng kaniyang heartbreak, puno naman siya ng pagmamahal mula sa kaniyang mga magulang at sa anak na si Scarlett.

Nag-celebrate sila ng Valentine’s day nang magkakasama sa isang simpleng salo-salo.

Hindi lamang sa pagbibigay ng mga regalo naipapakita ang pagmamahal ng kaniyang mga magulang kundi sa mga ginagawa nila; sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kaniyang tatlong-taong-gulang na anak na babae.

“Our special secret in our life is kahit anong mangyari, kahit nag-break up ang anak ko, kahit malayo ‘yung isang anak ko, basta you put God in the center. There is always love,” ani Nanay Rita.

Panoorin sa Facebook page ng PhilStar ang panayam:

Post a Comment

Previous Post Next Post