Jericho Rosales nagbahagi ng 'YungNaghuhugasPaRinSyaNgPlato' video

Ang tindi talaga ang isang Jericho Rosales. Iba ang dating niya sa mga fans. Nag-share lang ng video ng paghuhugas niya ng plato, nag-viral agad.

Mahigit 1,061,000 na ang views ng video na ishinare niya sa kanyang Instagram account noong Enero. May mahigit 106,000 likes na iyon at libo-libo ang mga followers ang nagkomento ng paghanga at pagkaaliw sa kanya.

Basahin: Jericho Rosales, naghugas lang ng plato nag-viral agad

Screenshot from Jericho Rosales’ video

Kamakailan lang, muli na naman siyang nagbahagi ng video kung saan ay naghuhugas siyang muli ng plato ngunit ang setting pala nito ay sa sarili na nilang bahay sa New York.

“Akala mo porke’t nasa New York ka wala ka nang kawala ha. Wala kang ligtas, Beshie,” aniya sa caption ng kanyang post.

“YungNaghuhugasPaRinSyaNgPlato” 🧼💦🍽
#walakangligtas
#lababobeshie
#DJScotchBrite

Isama mo na raw sa kanyang talento ngayon ang pagkukusot.  “Yung Picture Kasama Washing Machine,” saad niya sa isa pang post kalakip ang ilang nakaaaliw na hashtags. #addmosatalentskobesh  #malamigsasampayan  
#nagkukusotdinako   

Kapansin-pansin rin na sa bawat post niya siya ay may #SaanLakadEcho na hashtag.

Ibinunyag ni Jericho na siya at ang kanyang maybahay na si Kim Jones, isang Australian/British na fashion influencer, ay kasalukuyang naninirahan sa New York City.

Ibinahagi niya sa IG ang ilang larawan nila ng asawa habang nagre-relax sa bago nilang apartment na tila wala pang gamit. “Sa Bagong Haybol Sa Big Apol. Kim on google maps : saan ang palengke…? Me sa bintana : ano’ng oras dadaan ang taho?”

Ilang celebrity friends din ang nagpahayag ng excitement at pagbati sa bagong milestone nila.

Sa iba pa niyang post ay nag-share din ang 42-anyos na aktor ng kanilang mga lakad at gala sa New York.

Matapos ang kanyang  Kapamilya teleserye project na “Halik” noong 2019, huli siyang napanood sa short film niyang “Basurero,” na umikot sa ilang US film festivals taong 2020.

Bago nangyari ang pandemya, may isu-shoot sana siyang pelikula sa US noong 2021 at bibida sanang muli sa isang television project.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @jerichorosalesofficial

Post a Comment

Previous Post Next Post