Sky, ang 'Singing Dog of GenSan' pinabibilib ang netizens sa 'pagbirit' nito kasama ang kaniyang amo

Nakakita ka na ba ng asong kumakanta? Aba’y bumibirit pa?

Viral sa social media ang aspin na si Sky, 3 years old, na gustong-gustong maki-join sa karaoke sessions ng kaniyang amo na si Kathyrine Cagande.

Makikita sa video na kinakanta ni Kathyrine ang ‘Bakit nga ba mahal kita’ kung saan ay nakisabay naman si Sky sa kaniyang pagbirit.

Siguradong nakuha niya ang talento sa kanyang singer fur mom. Kaya rin ni Sky na maabot ang high notes ha! Amazing!

Inilarawan ng 32 taong gulang na may-ari  ang kanyang fur baby bilang isang sweet at multi-talented na aso.

Kapag hindi raw kumakanta si Sky kasama ang amo nito ay binabantayan daw ni Sky ang kanilang tindahan ng lechon sa General Santos City.

“Once kasi nagvi-videoke ako, pumupunta agad siya sa akin dito sa loob ng bahay. Rinig mo nasigaw siya,” ani Kathyrine.

“Tapos doon. Akala ko kung sino nag-awoo sa likod ko, si Sky pala. Kaya Do’n ko nalaman na gusto niya makipag-duet sa akin,” dagdag pa niya.

Kuwento ni Kathyrine na gustong-gusto ni Sky kumanta sa tuwing maganda ang kanyang mood.

Karaniwang ina-upload niya ang mga video ni Sky sa social media para magsilbing alaala.

Si Kathyrine ay kumakanta na mula pa umano noong mga taon niya sa high school. Sumali din siya sa small barangay singing contest noong nakaraan.

Namangha at naaliw naman ang mga netizens sa talento ni Sky at Kathyrine sa pag-awit nila. Mahihinuha mong matindi ang bond ng dalawa.

“Infairness ang haba nun part n’ya, as in binigay nya 100% lakas niya.”

“Ur amazing. Sana all me singer na baby.”

“Kinikilabutan ako kapag ganyan tahol ng aso..May multo para akong nakikinig ng gabi ng lagim..hahhaaha. Pero ang galing galing naman ni doggie.”

“Ganyang ganyan din ung aso naming namatay, basta nakarinig ng xylophone or sounds nakiki kanta.”

Panoorin. At kung mabitin ka, marami pang ibang cover ang BFFs na Sky at Kathyrine sa kanilang TikTok account.

Post a Comment

Previous Post Next Post