Jeron Teng nag-propose sa kaniyang longtime GF na si Jeanine Beatrice sa loob ng basketball court

Si Jeron Alvin Uy Teng, 28, ay isang Filipino professional basketball player ng Alaska Aces ng Philippine Basketball Association.

Bilang isang manlalaro ng PBA, karaniwang nagsisimula siya sa posisyon ng swingman ngunit paminsan-minsan ay gumaganap bilang isang power forward sa Philippine Cup.

Si Jeanine Beatrice Tsoi, 24, ay Instagram star at model naman na kilala sa pag-post ng iba’t ibang content ng kanyang modeling sa iba’t ibang streetwear at swimwear sa mga urban location sa buong Pilipinas.

Kilala rin siya sa pag-post ng iba’t ibang content ng lifestyle, kabilang ang mga larawan ng kanyang mga aso, kaibigan, at travel.

Sa isang basketball court kung saan nagsimula ang lahat para sa magkasintahan, ang basketball star na si Jeron ay nag-propose ng kasal sa kanyang long-time girlfriend na si Jeanine.

Sa kanilang Instagram account ay ibinahagi nila ang kanilang litrato na may caption ni Jeron na, “My birthday just became more meaningful. Best day ever!! 🥂 @jeaninebeatrice.”

Pinasalamatan din ni Jeron ang mga naging bahagi nito, “Thank you so much to the whole team behind this amazing set up.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jeanine (@jeaninebeatrice)

Kay Jeanine naman ay “My answered prayer 🤍 @jeronalvinteng.”

Sa isa pang post ipinagmalaki niya ang nobyo, “Marrying my bestfriend and college sweetheart”

 

Nag-post rin si Jeron ng isang video ng kaniyang proposal sa girfriend kung saan naka-tag si Jeanine. Aniya, “Our love story will always be my favorite one.”

Nakasuot ng kanyang collegiate jersey mula ulo hanggang paa sa Fil Oil Flying V Arena (San Juan Arena), lumuhod siya kay Jeanine na may hawak na singsing. Nangyari ito sa araw ng kanyang kaarawan, March 21, at ngayon ay 28-anyos na.

Ito rin ang lugar kung saan nagsimula ang kanilang kuwento noong naglalaro pa si Jeron sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) habang si Jeanine ay nagsilbing courtside reporter ng parehong institusyon.

Nagtapos sila sa DLSU noong 2017. Si Jeron ay naglalaro ngayon sa Alaska Aces habang si Jeanine naman ay isang gemologist. Miyembro rin si Jeanine ng Professional Models Association of the Philippines.

Matutunton ang kanilang kuwento noong UAAP Season 77 noong taong 2014. Lumalim ang kanilang closeness sa court at naging best partner sila ng isa’t isa.

Nagbabahagi sila ng maraming bagay tulad ng pagkahilig sa travel, fitness, party buddy, best date, pagmamahal sa beach, at marami pang iba.

Panoorin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jeron Teng (@jeronalvinteng)

Post a Comment

Previous Post Next Post