Nakilahok si Kylie Padilla sa isang Q&A sa kanyang Instagram Stories kasama ang kanyang mga followers kung saan tinanong siya tungkol sa kanyang past at current love life.
Isang tanong na unang lumabas, ayon sa GMA, “If you knew that it would come to that point, would you choose to be with him?”
Sumagot naman ang Kapuso star, “Yes. We made two angels together. No regrets.”

Samantala, tanong naman ng isa pang netizen, “At what point do you realize you no longer have the same feelings with your ex? You may answer or not.”
Matapang naman na sinabi ng Kylie, “When you have real closure. A real open and honest conversation about what happened. And through [that] you’ll find acceptance.”
Gayunpaman, sabi ng Kapuso actress, “I don’t believe you ever stop loving someone you loved before.”
“But you understand that it is now the past and hopefully it becomes gratitude and something pleasant to remember,” dagdag pa nito.

Tinanong ng isa pang netizen kung kumusta ang love life niya, ang sagot niya, “I got a lot of self love, nyahahaha.”
Basahin: Sino kaya ang pinatamaan ni Kylie Padilla sa sinabing “I regret having you as a memory”
Naging headline si Kylie at ang dating asawang si Aljur Abrenica noong nakaraang taon matapos ihayag ng kanyang ama na si Robin Padilla na nagdesisyon ang mag-asawa na maghiwalay noong Hulyo noong nakaraang taon.
Ang mag-asawang celebrity ay nagkaroon ng dalawang anak na lalaki na nagngangalang Alas at Axl.

Basahin: Kylie Padilla ipinakita ang bagong skill sa bilyar para sa kanyang proyektong ‘Bolera’
Samantala, nagpakitang gilas naman ang aktres sa kanyang paglalaro ng bilyar at ibinahagi ito sa social media.
Sa kanyang IG, makikita sa video ang pagsipat at pagtira ng aktres na nauwi sa matinding win.
“Joni Fajardo ang nag-iisang #Bolera. Coming soon,” saad sa kanyang caption sa Instagram.