Smart carts inilunsad ng isang Supermarket sa Evia Lifestyle Center

“Wow! Ang galing. A revolutionary innovation in grocery shopping.” 

Inilunsad ng AllDay Supermarket ang ‘smart carts’ na ito  na matatagpuan sa Evia Lifestyle Center. Ito ang isa pang pagbabago sa pamimili ng grocery sa bansa.

Lahat ng grocery items na bibilhin sa supermarket na ito ay kailangang i-scan sa pamamagitan ng ‘smart carts’

Ang mga smart carts ay awtomatikong nagpapakita ng mga presyo at iba pang mahalagang impormasyon ng mga item.

Gamit ang smart carts, puwede nang i-scan nang diretso ang mga pinamili at bayaran ang kabuuan via credit card o kung anumang mode of payment pagdating sa cashier area.

Kapag tapos nang mag-shopping, ay ige-generate lamang ang order ID QR code para sa lahat ng total purchase. Ang QR code na generated ay ipapakita sa cashier para bayaran ito.

Kung sakaling magbago ang isip ay kailangan lang ilabas ang item mula sa smart carts at awtomatiko itong maaalis sa listahan sa monitor.

Mula sa pamimili hanggang sa pag-checkout, ang buong karanasan ay hassle free at mas pinadali.

“This newest innovation is set to elevate the Filipino grocery shopping experience to a global level of convenience and fun,” ayon kay Manny Villar.

Ilang netizens naman ang excited nang gamitin ito at ilan din naman ay may negatibong komento tungkol dito.

“Wow! Ang galing. A revolutionary innovation in grocery shopping.”

“Hope that there’s a bigger size or dual carts so that it can separate toxic and non toxic grocery items.”

“Very practical and helpful. Saves time, too.”

“Very good yan. Kaya lang pag naging ganyan na lahat mawawalan ng work mga cashiers.”

“‘Yung iba halatang hindi pinanood nang buo ‘yung video. May cashier naman po iwas lang sa haba ng pila sa counter kasi scan na lang ni cashier ‘yung QR code at ‘di din po puwede makapagnakaw diyan kasi lahat ng ilalgay mo need mo scan at I’m sure ma de-detect yan pag hindi nasama sa payment!”

Panoorin:

Post a Comment

Previous Post Next Post