Manager ni Kit Thompson nagpadala ng bulaklak, sulat kay Ana Jalandoni

Nagpost sa Instagram stories si Ana Jalandoni ng larawan ng ipinadalang bungkos ng bulaklak at mensahe ng manager ni Kit Thompson.

Kamakailan lamang ay napabalita ang nagawang pananakit ni Thompson sa kanya habang sila ay naka-check in sa isang hotel sa Emilio Aguinaldo Highway, Silang Junction South, Tagaytay City.

Si Erickson Raymundo ay talent manager ni Thompson at siyang may-ari ng Cornerstone Entertainment, Inc. Bukod sa bulaklak ay may kasama din itong maikling sulat.

“Dear Ana…”

“Please know that you are in our prayers and we fervently hope for your speedy recovery. See you when you feel better and let us know if you need anything from us. God bless. Love, Erickson Raymundo and your Cornerstone Family,” nakasaad sa liham.

Basahin: Kit Thompson nasa kustodiya ng Tagaytay PNP dahil sa pag-detain sa GF na si Ana Jalandoni

Batay sa ulat ng ABS-CBN News nitong Biyernes, Marso 18, humingi raw ng saklolo si Jalandoni matapos siyang saktan at i-detain ng kaniyang nobyo.

Naglabas na rin ng pahayag ang talent agency ni Thompson na Cornerstone Entertainment at sinabing hindi pa sila nakatatanggap ng pormal na report hinggil sa nasabing insidente.

Humiling din ng pang-unawa sa publiko ang Cornerstone Entertainment na huwag munang husgahan ang aktor.

“However, we request the public to be mindful of casting judgment based on unfounded reports circulating online,” ayon sa pahayag ng talent management.

 

Noong Lunes, Marso 21, pansamantalang nakalaya umano si Thompson dahil sa piyansa, sa halagang ₱72,000. Ang nanay nito, kasama ang dalawang abogado, ang umasikaso umano sa piyansa.

Samantala, deleted na ang lahat ng larawan ni Thompson sa mga social media account ni Jalandoni.

Ayon sa abogado ng aktres, si Jalandoni ay determinadong maghain ng reklamo laban kay Thompson matapos niyang makaranas ng injuries dahil sa pangyayari; kabilang na ang “severely affected” eyesight nito.

“We are determined to pursue the case,” pahayag ni Atty. Faye Singson, ang legal counsel ng aktres. sa ABS-CBN News Noong Lunes, Marso 21. “Actually, we are preparing to press charges to the fullest extent of the law,” dagdag pa nito.

Post a Comment

Previous Post Next Post