Ayon kay Presidential candidate Senator Manny Pacquiao nitong Martes, Marso 22, ang P500-per-month subsidy ay hindi pa rin umano sapat para sa mga mahihirap na pamilya upang matulungan silang makayanan ang pagtaas ng presyo ng gasolina. Sa halip ay bigyan sila ng gobyerno ng tig-iisang sako ng bigas.
Ang isang sako ng bigas ay mas tatagal umano kaysa sa P500 cash assistance.

“‘Yung P500 maliit pa rin yan. Iiyak pa rin ‘yung mga tao diyan, kasi ‘yung P500 sa isang buwan, hindi kasya ‘yan. Siguro bigyan na lang natin ng tig-isang sakong bigas ang bawat pamilya eh mas matagal-tagal pa kaysa P500,” sabi niya sa mga mamamahayag.
[RELATED: Pangulong Duterte ipinag-utos na itaas sa P500 ang buwanang ayuda para sa mahihirap]
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong Marso 21, ang P200 buwanang subsidy na inaprubahan sa mahihirap na kabahayan ay dapat itaas sa P500.

“Inipit ko na si Carlos Dominguez III. Sabi ko na, ‘Iyong P200 medyo kulang ‘yun. So how much can you stretch? Sabi ko, P500 kaya?’” aniya, sa kanyang Finance Secretary.
“Sabi ko, ‘Maghanap ka ng pera kung saan,’” dagdag pa nito.
Sinabi ni Duterte na binalaan siya ni Dominguez tungkol sa mga problema sa pagpopondo ng anim na buwan pagkatapos ng downline.

Kailangan umanong lutasin ng susunod na administrasyon kung paano magpapatuloy ang pagbibigay ng P500 buwan-buwan sa mga pinakaapektado ng pandemya, dagdag niya.
“Sabi ko sa kaniya kanina, ‘Buang, wala na tayo diyan, bahala na sila’,” sabi pa ng Pangulo. “The next president will just have to borrow.”