Nabahala ang mga tagahanga sa kalagayan ng aktres na si Elisse Joson, matapos nitong magbahagi ng emosyonal na post sa Facebook, na tila may kinalaman sa mga paghihirap ng pagiging isang ina.
“Akala ko ok na pero nakakapagod pala. Gabi-gabi na lang ako walang tulog. Babad sa isip ko kung paano matitigil ‘yung paghihirap namin ni baby,” ani Ellise sa kanyang FB.

Nagbahagi din ang aktres ng larawan kung saan buhat niya si Felize sa Instagram Stories, na may poll sa kanyang followers na nagtatanong, “Ano ba dapat kong gawin?”

Ang aktor na si McCoy de Leon man ay nagbahagi rin ng isang misteryosong post sa Facebook na nag-aalala sa kanyang mag-ina.
“Maya’t maya akong nagchecheck para siguraduhin na okay kayo. Wala na rin akong maayos na tulog. Pero sana kahit ganito, hindi tayo susuko dahil gagawin ko ang lahat mapasaya at maprotektahan kayo ni baby,” saad ni McCoy sa kanyang post.
Wala sa alinman sa mga post sa Facebook ang tinukoy sa kung anong eksaktong isyu ang pinagdaraanan ng mag-partner, ngunit ang mga netizen ay nag-isip na maaaring ito ay tungkol sa mga problema sa relasyon.

Mga hamon sa pagiging ina at mga isyu sa kalusugan ng isip naman ang inalala ng iba. Maraming tagahanga ang nagpahayag naman ng suporta kay mommy Elisse na “stay strong.”
Ganun talaga sa umpisa ay napahirap ang maging ina, ngunit habang nabubuhat at nakikita mong lumalaki si baby ay talagang mapapawi ang pagod at paghihirap mo.
Pagkatapos ng maraming espekulasyon ay nabigyan na ng linaw ng magpartner ang tungkol sa mga lumabas nilang ‘cryptic’ post. ^_^

Sa IG account ng mommy na si Elisse ay ipinabatid niya na, “Ito na ang sagot sa aming problema. Watch this video and see how we finally achieved uninterrupted sleep at night!”
Nagpo-promote lamang pala ang dalawang kapamilya talent ng diaper na Pampers para sa kanilang anak.
Maraming followers sa IG ang naghinala na baka nga raw nag-eendorso lamang ito. Sabi ng isang netizen, “Tama si Ogie Diaz, promo pala ‘yung mga eme. Buti na lang.”
“Ayan na kasagutan sa post nila na nawindang ang mga tao.”
View this post on Instagram