Daniel Padilla nag-trending bilang 'kakampink' matapos kumalat ang larawan kasama si direk Mandy Reyes

Viral ngayon ang aktor na si Daniel Padilla matapos kumalat ang larawan na kasama ang direktor na si Mandy Reyes, habang nasa sasakyan at nakaposing sa tabi ng poster ni presidential candidate Vice President Leni Robredo, nitong Marso 9, 2022.

Sa Twitter ay trending ang #DanielPadillaForLeni. Marami ang natuwa sa aktor na pinili nito si VP Leni Robredo at tinawag pang isang certified kakampink.

 

“Aba ewan ko sa inyo. Basta kay #LiderLeni kami ng tropa kong gangster,” nakasaad sa caption ng Facebook post ni direk Mandy.

Marami ang nagalak na mga supporters sapagkat suportado ng magkasintahang KathNiel ang Leni-Kiko tandem pati na rin ang ina ni Kathryn Bernardo na si Luzviminda Bernardo.

Noong 2016 ay may larawan si DJ kasama ang kaniyang kasintahan na si Kathryn nang si Leni ay tumatakbo noon bilang Vice President.

Basahin: Karla Estrada says her family is bound by love, respect despite different political views

Matatandaang ang ina ni DJ na si Karla Estrada na tumatakbo bilang nominee sa ilalim ng Tingog party-list ay nakasuporta sa UniTeam nina presidential candidate Bongbong Marcos at vice presidential aspirant Inday Sara Duterte.

Nauna nang sinabi ni Karla sa isang Instagram post na iginagalang sa kanilang tahanan ang pagkakaiba-iba ng kanilang pananaw, lalo na sa political stand.

“In our Family, we always practice to respect each one’s opinion, and specially political views. Sinisiguro ko na sa aming tahanan pa lang ay buhay na ang mga karapatan ng aming mga boses at pananaw.”

“At ang respeto ng mga anak ko, buong pamilya ko at mga taong bukas ang isip, malawak ang pag-intindi, ang tanging importante sa buhay ko. #iisanglayuninMAKATULONG,” aniya.

 

Basahin: KathNiel Moms: Magkaibang presidential candidate ang sinusuportahan

Totoo naman na kahit sino ay may karapatang mamili at bumoto ayon sa kanilang napipisil na kandidato. Ito ‘yung tinatawag na respeto sa iyong napili at sa napili ng iba.

Post a Comment

Previous Post Next Post