Matteo proud sa pagdiriwang ni Sarah ng ika-19 anibersaryo sa showbiz

Binati ng aktor na si Matteo Guidicelli ang kaniyang asawang si Sarah Geronimo na nagdiwang ng ika-19 taon nito sa show business.

Sa isang Instagram post ay sinabi ni Matteo na proud siya sa lahat ng napagdaanan at narating ni Sarah. Hindi maikakaila na hanggang ngayon ay nananatiling number one fan ni Sarah si Matteo.

“Dear wife, today marks your 19th year in show-business! Seeing you grow every single day as an artist and as a woman, totally blows my mind,” sabi ni Matteo.

“Your passion, dedication, hard work and focus are just on another level. I am very very proud of you! Continue spreading love, happiness and inspiration to the people around the world! I love you very much,” aniya pa.

Bumuhos din ang pagbati para sa singer-actress mula sa kanilang mga kaibigan sa industriya kagaya nina Angel Locsin, Vice Ganda, Iya Villania, at Iza Calzado.

Taong 2003 nang tanghalin ang noon ay 14 anyos pa lang na si Sarah bilang grand champion ng singing competition na Star for A Night sa kaniyang winning piece na “To Love You More.”

Kamakailan lamang ay ipinagdiwang din nina Sarah at Matteo ang kanilang ikalawang wedding anniversary.

[RELATED: Partners for life’: Matteo, Sarah ipinagdiwang ang ikalawang anibersaryo ng kanilang kasal]

“Through thick and thin and all the ups and downs, we will be partners for life. I love you my beautiful wife! You’re the best. Happy 2nd year anniversary!” pagbati ni Matteo sa kaniyang misis.

Pebrero 2020 nang magdaos ng intimate wedding sina Sarah at Matteo, ngunit nahaluan ito ng kontrobersiya nang diumano ay sumugod dito ang ina ni Sarah na si Mommy Divine na hindi nasabihan tungkol dito.

Post a Comment

Previous Post Next Post