Carla at Tom, oras na para magsalita sa isyu hinggil sa kanilang breakup - Cristy Fermin

Ayon sa veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin, oras na para magsalita sa isyu sina Carla Abellana at Tom Rodriguez tungkol sa breakup nila na muling naging usap-usapan nitong mga nakaraang araw.

Matatandaang naispatan ng Fashion Pulis si Carla na nila-like ang mga komento ng kaniyang mga followers sa Instagram na halata namang si Tom ang binabanggit ng mga ito. Kasama na rito ang komentong “True ba gay daw sya?”

Ayon kay Cristy, ang pinakahuling ni-like ni Carla na komento ng kaniyang followers ay tungkol sa kung gay ba si Tom.

“Is it true he is gay? ni-like ulit ngayon. True po ba gay siya? ganun, ni-like niya,” ani Cristy.

“Alam mo ‘yung pagla-like ni Carla tungkol dun sa ‘true ba gay po siya?’ naku, gumawa ‘yun ng malaking question at pag-aalala sa ating mga kababayan,” dagdag pa niya.

Ayon naman kay Romel, para umanong kinukumpirma ni Carla ang pagla-like nito sa mga komento ng kaniyang followers.

“Parang kinukumpirma niya lahat ng mga nagko-comment dun, hindi nga siya nagko-comment pero chine-check niya. Ibig sabihin nun, agree siya sa mga nagko-comment dun.”

Nagpatuloy si Nanay Cristy sa pagpapahayag ng kanyang saloobin sa naging resulta ng nasabing ‘liking spree’.

“Alam mo kapag ang iniisip mo, ‘yung ginagawa nilang dalawa. Parang ang lalim lalim ng sugat para kay Carla no?”

Ayon kay Romel, “Ang sabi pa, parang, bakit ganun na lang ang galit niya, bakit hindi niya kausapin, hindi ‘yung nagla-like na sinisira niya sa social media si Tom Rodriguez at pati siya nasisira  na rin. Hanggang sa susunod wala nang maniniwala sa kanila kasi sirang sira sila pareho.”

Sa latest column sa Pilipino Star Ngayon kung saan si Cristy ang mismong sumulat, na may pamagat na “Malisya sa hiwalayang Tom at Carla, palala” ay nag-react si Nanay Cristy sa intriguing action ni Carla.

“Lalo tuloy pinagpistahan ang kuwentong umikot na diumano’y nahuli ni Carla si Tom na may ginagawang hindi kanais-nais sa pamamagitan ng tracking device.”

“Palala na nang palala ang mga kuwento, senyal na ito na kailangan na nilang magsalita, sagutin na nila ang napakaraming tanong tungkol sa kanilang paghihiwalay.”

Samantala, nakadisable na ang comment section sa IG account ni Tom.

Ayon sa Cosmopolitan Philippines, kumalat ang tsismis tungkol sa diumano’y breakup ng celebrity couple noong Enero, tatlong buwan pagkatapos nilang magpakasal.

Panoorin:

Post a Comment

Previous Post Next Post