Na-miss niya si Lolo! Lolang edad 90, naging emosyonal nang sinurpresa ng apo sa Araw ng mga Puso

Inakala ng balo nang Lola na si Editha na ang Pebrero 14 ay isa na namang malungkot na araw para sa kaniya.

Ngunit sinurpresa siya ng kanyang apo na si Eena Villanueva at ng boyfriend nito, ng kaniyang paboritong pagkain sa mismong Araw ng mga Puso.

Pinlano ng magnobyo ang surpresa para kay Lola Editha. Bumili din sila ng mga bulaklak at kumain nang magkakasama.

Hindi naman napigilan ni Lola ang pag-iyak dahil naalala niya ang kaniyang namayapa nang asawa na noon ay sinusubuan pa niya ng pagkain.  66 na taon din umano silang nagkasama.

“Ngayon lang ako kumain ng Tokyo Tokyo magmula no’ng namatay siya,” ani Lola habang umiiyak.

Pagbabahagi ni Eena, “Umaga po ng Valentine’s day, binati ko po si Lola. Natawa po siya at binati din ako.”

“Sabi po niya, ‘ayy wala na akong ka-valentine, nasa heaven na,’ natawa na lang po ako sa sagot niya pero naisip ko nga po na i-surprise siya,” dagdag pa niya.

Noon pa man ay malapit na si Eena sa kanyang lolo’t lola. Ito raw ang naging paraan niya para ipakita ang pagpapahalaga sa kanila dahil tinulungan siya nitong makatapos ng dentistry sa kolehiyo.

“Gusto ko lang po ibalik lahat ng pagmamahal na pinaparamdam nila sa amin. Kaya ko po inu-upload ‘yung videos to inspire people,” ani Eena.

“Wag natin sila balewalain dahil bukod sa parents natin, sila po ‘yung mga taong mahal na mahal tayo higit po sa buhay nila,” dagdag pa niya.

Si Eena ay tagahanga ng kuwento ng pag-ibig ng kanyang lolo’t lola na tumupad sa panata ng kasal; ang “for better or for worse” na sumpaan.

Ang 90-anyos na si Lola ay nadadala pa rin ng labis na emosyon sa tuwing naaalala niya si Lolo Efren.

Nagkakilala ang dalawa sa kolehiyo bagamat nag-aaral sila sa magkaibang unibersidad. Pagkatapos ng tatlong taon na LDR ay nanirahan sila sa Puerto Galera kung saan nila pinalaki ang kanilang pamilya.

Si Lolo Efren naman ay na-diagnose na may colon cancer noong 2010 sa US.

Bumalik sila sa Pilipinas noong 2016 para kay Lolo Efren para magpagamot at makasama ang iba pang miyembro ng pamilya.

Gayunpaman, lumala ang kanyang karamdaman at tuluyan nang namaalam noong 2019.

Ang kuwento nina Lola Editha at Lolo Efren ay isang testamento ng unconditional love; isang pag-ibig na higit pa sa buhay at umaabot hanggang sa kabilang buhay.

Samantala, ang naturang video ay umabot na sa 995k views at 46k reaksiyon.

Panoorin ang ibinahaging video ni Eena sa PhilStar na may halos 1M views na at mahigit 980 comments at 46K reactions:

Post a Comment

Previous Post Next Post