Sa Twitter account ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid ay sinagot nito ang isang netizen na nagsabing nawala ang sarili niyang identity sa entertainment industry mula nang pakasalan niya si Regine Velasquez.
Simula raw kasi nang pakasalan niya si Regine ay nabawasan na ang kanyang kasikatan at mas kilala na lang daw siya ngayon bilang “asawa ni Regine”
Sa kanyang Tweet noong Marso 23 ay marespeto pa ring sinagot ng aktor ang isang netizen na nag-post ng malisyosong mensahe.
“I saw a tweet before that na kawawa ako kasi I was reduced to ‘husband of Regine,’” aniya sa kaniyang tweet.

Ipinagdiinan naman niya na hindi siya naniniwala sa sinasabi ng iba na naging kawawa siya dahil pinakasalan niya ang nag-iisang Songbird.
“Hey my bro, just want to let you know that I take pride in being husband to the kindest and most loving human one can ever meet. Peace,” dagdag pa niya.
Nagkomento naman ang kaniyang asawa rito. Aniya, “I love you morest baba” na may heart emoji pa.

Tumugon naman si Ogie at sinabing “I love you morestest” na sinagot agad ni Regine ng, “Baba!!! Bakit yung akin moretest???!!! Negative ako.”
Napa-react naman si vice presidential candidate at Senador Kiko Pangilinan, na mister naman ni Megastar Sharon Cuneta, na kaibigan nina Regine at Ogie.
Aniya, “When you love your wife with all your heart, comments like that one do not matter at all.”

Matatandaan namang inamin ni Regine sa segment na ‘Magandang buhay’ na hirap siyang patawarin ang sarili matapos maging 3rd party kina Ogie Alcasid at sa dati nitong asawang si Michelle Van Eimeren.
Sinabi niyang bagama’t mahal niya si Ogie, kung magkakaroon ng pagkakataong maibalik ang panahon ay pipiliin niyang walang masaktan.
“I just have to say, it was so difficult. And if I can bring back time… I love my husband, but if I could bring back the time, siguro mas gugustuhin ko nang wala kaming nasaktan,” sabi niya.
Basahin: Regine inaming hirap patawarin ang sarili sa pagiging 3rd party