Binati ng Kapamilya star na si Joshua Garcia ang aktres na si Ria Atayde sa kaarawan sa pamamagitan ng IG stories.
Ang magkaibigan ay madalas mapag-usapan na may relasyon diumano ang dalawa ngunit hindi naman nila ito pinapansin.
Ginagawa na lamang itong katatawanan ng dalawa — patunay nito ang pinakahuli nilang palitan ng mensahe sa social media para markahan ang kaarawan ng aktres.

Binati ng aktor ang kanyang kaibigan sa pamamagitan ng Instagram story na may larawan at kalakip pang mensahe na, “Happy birthday rumored girlfriend!”
Sumagot naman dito si Ria. “Salamat My Liwanag and rumored boyfriend! Labyu!” at ibinahagi pa ito sa IG.
Basahin: ‘Ikaw ang aking liwanag’ mystery girl post, hindi galing kay Joshua

Nag-post ang aktres na si Ria ng daring na larawan sa social media para markahan ang kanyang kaarawan.
Ang aktres, na 30 taong gulang na noong Miyerkules, Marso 23, ay nagpasalamat sa lahat ng bumati sa kanyang birthday.
“Thirty already seems like the youngest and happiest I’ve ever been. Thank you, everyone, for all the birthday love! I’ve been tearing up all day — my heart is so full. As I have told everyone that has greeted me today, please eat something yummy for me today. PS: hi mom and dad, don’t kill me,” isinulat niya sa caption.

Sa kanyang mga naunang post sa Instagram, habang nagsisimula siyang magbilang para sa kanyang nalalapit na pagtuntong sa trenta, ginulat ni Ria ang kanyang mga tagahanga sa kanyang mga ‘daring’ na larawan.
Si Ria ay anak ng veteran actress na si Sylvia Sanchez at kapatid ng aktor na si Arjo Atayde.
Kasalukuyan siyang napapanood sa drama series ng ABS-CBN na “Viral Scandal.”
Nakatakda niyang makatrabaho ang kanyang kapatid na si Arjo sa upcoming international series na “Cattleya Killer” at “Misis Piggy” ng iWantTFC kasama ang kanyang ina.