Nakahanap Si Mark Anthony Santos ng isang matatawag na simple ngunit nakababagbag-damdaming paraan upang bumawi sa kaniyang mga lolo’t lola noong Disyembre sa ibinigay ng mga ito sa kanila.
Sa kanilang family gathering, sinamantala ni Mark ang pagkakataong ibalik ang pagmamahal at kabutihang ibinigay ng kanilang mga lolo’t lola sa mga nakaraang taon.
Pagbalik niya sa Polomolok, South Cotabato noong bakasyon, humingi siya ng tulong sa kanyang mga pinsan sa paggawa ng isang surpresa.

Binigyan ng kanyang tiyahin si Lola Rufina ng isang money bouquet para sa kanyang kaarawan, ngunit ginawang extraordinary reunion ni Mark ang muling pagkikita nila sa pamamagitan ng larong ‘pera o apo?’
Sa laro ay mamimili sina Lola at Lolo kung pera o apo ang kanilang pipiliin.
“P1,000, Pera o apo?” tanong ni Mark sa kaniyang Lola at Lolo na nakaupo.
Hindi naman sila agad sumagot at nagsigawan ang ilan. Sa pangalawang tanong ni Mark ay ginawa niya itong P2,000.
“P2,000 pera o apo?”

“Pera at apo,” sagot naman ni Lola na na umani ng labis na hiyawan at tawanan mula sa kanilang angkan.
Nasisiyahan naman ang mga manonood dahil sa pakuwelang hatid ni Mark sa kaniyang grandparents.
Sa ‘P3,000 pera o apo’ na tanong ni Mark ay ganun pa rin ang pinili ni Lola.
“Every year po kasi nakasanayan na po nila na magbigay ng P500 po sa lahat ng mga apo nila but 2020 was tough kasi po she was diagnosed with COVID and may diabetes pa po siya,” kuwento ni Mark.
“With all the expenses sa medication niya pinilit pa rin nila magbigay sa mga apo nila,” dagdag pa niya.

Sa huli ay nakatanggap ang kaniyang grandparents ng halagang P10,000 cash.
Kuwento ni Mark ay masipag daw mag-trabaho ang kaniyang grandparents at hindi raw pumapalya na mag-provide sa pamilya.
Ang buong pamilya naman ay sabik na alagaan sila at ibalik ang lahat ng sakripisyo ng kanilang mga lolo’t lola.
Sinabi ni Mark (na apat na taong nang seaman) na sobrang saya niya nang mapasaya niya ang mga ito.
“Ang main goal ko po is to make them happy and to let them na nandito din po kami para sa kanila. To let them feel na kami naman po ang mag-aalaga sa kanila.”
Iba talagang magmahalan ang pamilyang Pinoy!
Panoorin.