Pinay sa Ukraine ibinahagi ang kanilang sitwasyon sa pagtatago sa basement

Isang Pilipina at ang kanyang asawang Ukrainian ang nagtatago sa isang basement sa Ukraine matapos ang ginawang pag-atake ng Russia sa bansa nila.

Hindi raw puwedeng umalis ng bansa ang mga lalaki sa Ukraine kaya’t nagdesisyon ang mag-asawang manatili muna doon sa ngayon.

Sa panayam ni Theresa ​​​​​​​Barrera ng Omni News kay Rhea Rose Ramos at sa kanyang mister na si OLeg Taibo, ipinakita ng Pinay ang kalagayan nila sa pinagtataguan nilang basement.

Nanatili umano sina Rhea at kanyang pamilya sa basement ng tahanan ng kanyang mister, tatlong oras ang layo mula sa pinupuntiryang lugar sa Ukraine, ang Kyiv.

Iba raw ang pakiramdam ng nagtatago sa dilim ng gabi kumpara sa nag-shopping sila noong umaga.

“We went to grocery store, I thought there would be like panic buying, but outside, people are walking, like nothing is happening.”

“I was like, Oh My God, bakit ganito ba parang hindi ko napi-feel na may something kasi nakikita ko po lahat ng tao naglalakad pa din, groceries are still full. Kasi tulad po ng ganitong pangyayari panic buying na or something. I’m just really shocked that it looks normal here,” kuwento ni Rhea.

“‘Yung level ng kaba ko sobrang tindi. Yesterday I was like, para akong mababaliw, ma’am. Sobra po talagang ang lakas ng kabog ng dibdib mo. Hindi mo alam kung safe ka pa ba. Actually I’m worried more about my baby,” dagdag pa niya.

Hindi raw inaasahan ng mag-asawa na sa 2022 ay magkakaroon ng kaguluhan sa Ukraine, ang bansa kung saan ay mahigit  isang taon na silang naninirahan at kung saan ipinanganak ang kanilang bunso na 7 months old.

Ilang araw lamang ang nakararaan nang nilusob ng Russia ang bansang Ukraine sa capital nitong Kyiv. Bago pa man ito nangyari ilang mga kababayan na nating OFW ang nakaalis ng nasabing bansa bilang pag-iingat at para na rin sa kanilang seguridad.

Panoorin ang buong panayam.

Post a Comment

Previous Post Next Post