Rabiya Mateo, Jeric Gonzales kinumpirma ang relasyon sa pamamagitan ng Instagram post

IG Official na? Yes, kinumpirma ng beauty queen-turned-actress na si Rabiya Mateo ang relasyon nila ng Kapuso aktor na si Jeric Gonzales sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post noong Miyerkules, Marso 16.

Ibinahagi ni Rabiya Mateo sa kaniyang Instagram post ang matatamis na sandali nila ni Jeric mula sa kanilang paglalakbay sa Bohol, kabilang ang mga selfie at video ni Jeric na isinakay siya nito sa isang piggyback ride.

Nagpalitan din ng romantikong mensahe ang dalawa sa comment section.

“Live. LOVE. Laugh. Thank you, Eric @jericgonzales07,” aniya sa kaniyang caption.

Nag-reply naman si Jeric at sinabing “Let’s be happy together. I love you.”

Ngunit bago gawing opisyal sa publiko ang kanilang relasyon, sina Rabiya at Jeric ay nagkaroon muna ng special dinner date nitong Marso upang ipagdiwang ang kanilang monthsary sa isang restaurant sa Greenbelt.

Nag-post naman si Jeric sa kaniyang Instagram account ng larawan na may caption na, “To more memories with you. @rabiyamateo I love you.”

Tumugon naman si Rabiya dito, aniya, “Through good times and bad times, I’m gonna be there by your side. I love you Babe.”

Ayon sa ulat ng PEP.ph, nagsimulang kumalat ang mga usap-usapan tungkol sa pag-iibigan ng dalawa mula nang una silang makitang magkasama sa Enchanted Kingdom noong Disyembre, at sa isang beach sa hindi malamang lokasyon.

Noong Pebrero, sa isang PEP Live, nagpahiwatig si Rabiya sa isang taong may inisyal na “J” bilang ang unang taong na-text niya noong araw na iyon, na naging sanhi upang isipin ng mga netizen kung si Jeric Gonzales ba iyon.

Nagkatrabaho ang dalawa sa isang episode ng Wish Ko Lang noong Nobyembre, pagkatapos pumirma ni Rabiya sa GMA Network noong buwan ding iyon.

Naghiwalay sina Rabiya at ex-boyfriend na si Neil Salvacion noong Hunyo 2021. Pitong taon silang magkarelasyon bago nagpasyang maghiwalay dahil nawalan sila ng koneksyon sa isa’t-isa.

Kinatawan ng Ilongga beauty queen ang bansa sa Florida, USA, sa 69th Miss Universe pageant at nakapasok sa Top 21.

Sa kasalukuyan, bida si Rabiya sa ikalawang season ng Agimat ng Agila kasama sina Senator Bong Revilla Jr. at Sanya Lopez.

Basahin: Rabiya Mateo, from beauty queen to Agent Asha Raj, sa ‘Agimat ng Agila Season 2’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Post a Comment

Previous Post Next Post