'Gasul' remark ng netizen sa body shape ni Alexa hindi pinalampas ni KD

Muli na namang nakarinig ng hindi magandang salita ang Kapamilya star na si Alexa Ilacad patungkol sa kanyang katawan matapos itong ikumpara ng isang netizen sa isang gasul — bagay na hindi nagustuhan ng kanyang ka-love team na si KD Estrada.

Sa Twitter, itinabi ng social media user ang litrato ni Alexa sa isang LPG tank at sinabihan ang singer-actress ng, “Gasul ka, ghorl?” Hindi ikinatuwa ni KD ang nabasa kaya naman sinagot niya ang nasabing user.

gasul KD

Hindi biro ang mga ganitong puna para kay Alexa na na-diagnose sa body dysmorphic disorder habang nasa loob ng Pinoy Big Brother house. Pag-amin niya sa show, kung saan tinukoy ng ekspertong si Dr. Randy Dellos ang kondisyon niya, “I see myself differently than how it looks. When I look in the mirror, I feel disgusted. I despise the person I see in the mirror. I’ve been in the industry for more than half of my life since I was a kid. I was never the thin type, my body type was really different from all the other girls. Maybe just having gone through that for so long led to this.”

KDLex for real?

Matatandaang naging makulay pareho ang naging pananatili ng dalawa sa Bahay ni Kuya at marami rin ang nakasaksi sa mga pinagdaanan at pagbabago nila habang nasa loob. Sa bawat pangyayari, nanatili silang dalawa sa isa’t isa bilang matalik na magkaibigan; isang bagay na ikinatuwa ng mga manonood kaya naman nabuo ang fandom ng KDLex. Marami nang umaasa simula pa noon na mapupunta sa next level ang pagkakaibigan nila kahit may kanya-kanya silang maituturing na “apple of the eye” sa loob ng bahay.

gasul KD

At lalo pa ngang napalapit sa isa’t isa ang dalawa pagkalabas ng bahay at naging ganap na magka-love team. Nitong nakaraan, ibinigay ni KD kay Alexa ang isang singsing na napakahalaga sa kanya dahil mula pa ito sa kanyang ina.

[Basahin: KD ibinahagi ang kuwento sa likod ng mga singsing nila ni Alexa]

gasul KD

Post a Comment

Previous Post Next Post