Ibinahagi ng aktor na si Gerald Anderson sa social media nitong Huwebes ang kanyang birthday greetings para sa kanyang girlfriend na si Julia Barretto, na ngayon ay 25 taong gulang na.
“This day in 1997 God sent us an Angel. Happy Birthday Baby,” mensahe ni Gerald sa Instagram.

Sa comment section ng kanyang post, nagkomento ang aktres ng pasasalamat sa nobyo, “Thank you my love.. I love life with you.”
Ang 25-anyos ay minarkahan ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng isang mapangahas na pictorial kung saan nababalutan lamang siya ng tila silver glitters o body paint sa buong katawan at wala nang iba.
“25” ang kanyang simpleng caption para sa set ng larawan.
View this post on Instagram
Basahin: Julia Barretto nagbahagi ng birthday message para sa BF na si Gerald Anderson
Kamakailan ay ibinahagi ni Julia ang kanyang maikli ngunit sweet na birthday message para kay Gerald, na ngayon ay 33 taong gulang na, noong Lunes Marso 7.
Minarkahan ni Julia ang espesyal na araw ng aktor sa pamamagitan ng pag-upload ng mga larawan nilang magkasama.

“Happy birthday my love, my best friend,” ayon sa post na ibinahagi ng aktres sa IG.
Binati rin ng maligayang kaarawan ng ina ni Julia na si Marjorie at kapatid na si Dani ang Kapamilya actor sa IG stories.
Samantala, nag-upload sii Julia sa kanyang YouTube Channel ng kanilang nature trip kasama si Gerald.
Matapos ang mahigit isang taong espekulasyon sa kanilang posibleng pag-iibigan, sa wakas ay inamin ng aktor na si Gerald Anderson sa one-on-one interview ng host na si Boy Abunda na masaya siya sa piling ni Julia.
View this post on Instagram