Ipinaliwanag ni senatorial aspirant Atty. Sal Panelo na kinakanta niya ang hit song ni Sharon Cuneta na “Sana’y Wala nang Wakas” hindi upang manalo sa eleksyon kundi upang alalahanin ang kaniyang yumaong anak.

“I’m sorry she feels that way. It’s one of my favorite songs because it reminds me of the great lengths I took to care for my late son, Carlo who had Down Syndrome. I honor him each time I sing the song,” paliwanag ni Atty. Panelo sa isang pahayag.
Bukod dito, nagbibigay-pugay rin daw siya sa composer ng kanta na si Willy Cruz at maging kay Sharon.
“I wasn’t profiting from it, and certainly not trying to get elected by singing it. I was just trying to entertain the people who took time out of their busy lives to see and listen to us. I don’t understand what’s so offensive about that,” dagdag niya.
Nilinaw niya rin na kinumpirma sa kaniya ng Viva Records na maaari niyang gamitin ang kanta kaya patuloy niya itong kakantahin.

“In any case, I did reach out to the copyright owner, Viva Records, and they’ve confirmed that I have permission to sing the song,” sabi ni Atty. Panelo.
“I will continue to sing it, and will now use it to raise awareness for the plight of children with special needs. As the song goes: ‘Kahit ilang awit ay aking aawitin, hanggang ang himig ko’y maging himig mo na rin.’”
Matatandaang sinabihan ni Sharon si Atty. Panelo na tigilan ang paggamit ng kaniyang kanta sa pangangampanya.
[RELATED: Reaksyon ni Sharon sa paggamit ng kalabang partido ng kanyang hit song: WHY?!!!]

“‘Di dapat sinisira ang isang classic. Basta TAYO ANG MAY ORIG! Oh, please. WE HAVE NOT ALLOWED YOU TO USE OUR SONG. Please stop. Nakakaawa naman ang kanta namin at nakakahiya,” reaksyon ni Sharon nang makita ang video ni Atty. Panelo na kinakanta ang kaniyang hit song sa meet-and-greet ni vice presidential aspirant Sara Duterte sa Quezon City.
Katunggali ni Sara ang asawa ni Sharon na si Sen. Kiko Pangilinan sa pagka-bise presidente.