Viral sa social media ang screenshot na inakala ng marami na mula sa isang delivery rider na natatakot sa aso ng isang Shopee customer. Ngunit ang totoo? Ang pinagmulan pala nito ay maaaring hindi tulad ng iyong inakala.
Ang viral meme ay ibinahagi ng isang netizen na may screen name na Edrix Peñaflor. Makikita ang ilang screenshots, kung saan sa isang larawan ay mapipick-up mo na ang delivery rider ay nataranta umano dahil sa aso ng isang recipient ng order.

Nagsimula kasi sa mga nakababahalang chat gaya ng “PAKIBILISAN PO”, SOBRANG LAKI PO NG ASO N’YO PO HUHU” at “NATAHOL SAKIN.”
Sinundan pa ito ng “tagal nyo po so much,” kaya’t iisipin mong natataranta na ang rider.

Walang tugon na mababasa sa screenshot.Kaya’t tanong ng rider, “What if, umiyak na po ako”.
Sa kabila ng nakakanerbiyos na ‘kuwentong’ hatid nito, nilinaw ni Edrix na ang screenshot ay hindi talaga para sa pampublikong konsumo, dahil ito ay talagang isang reference lamang sa kanyang paboritong online na storya.
Aniya sa panayam ng PhilSTAR L!fe, “I post about a certain Wattpad book ‘Ang Mutya Ng Section E‘, I thought some of the readers of that story will like it since they know the characters, I only post for that book. The readers of the book were my original target audience.”

Idinagdag ni Edrix na kumuha siya ng inspirasyon mula sa isang Twitter thread na may parehong ideya, at nais niyang gumawa ng ilang mga screenshot na maibabahagi niya sa Wattpad fandom na kinabibilangan niya.
Katunayan niyan, ang viral na single screenshot na ito ay bahagi ng 15-photo series na in-edit mismo ni Edrix kung saan tampok ang mga riders sa iba’t-ibang hilarious situations or “Ulupongs as your shopee rider. (Ang Mutya Ng Section E),” ani sa kaniyang caption post.

Nilalayon din ng screenshot na “what if, umiyak na po ako” na katawanin ang isang karakter sa kuwentong pinangalanang Ci-NPeralta, kasama ang iba pang mga entry na itinalaga para sa iba pang mga karakter.
“Those screenshots were for pure content. I didn’t have a particularly deep motive but to cheer up my friends and mutuals who enjoyed the same book I did, maybe crack a few laughs too,” aniya.
“I never expected it to reach a bigger and a different audience, it was all unexpected,” dagdag pa niya.
Aba’y kinawilihan ito ng marami at umabot na sa 66K shares at mahigit 31K reactions.