“Yung rampa ka nang rampa kasi namumurblema kang umuwi kasi na max mo card mo. “lintik” 2022”
‘Yan ang caption ng aktres, model, artist at socialite na si Heart Evangelista sa kanyang Facebook at Instagram post kamakailan na humakot ng pansin at papuri.

Sinamahan na rin ng ilang netizens ng ‘hugot lines’ at ‘jokes’ ang mga larawang ibinahagi ng misis ni Sorsogon Governor Chiz Escudero.
Nakamamangha kasi ang sky blue OOTD (Outfit of the Day) ni Heart na mahihinuha mo na talagang mga branded ang mga suot nito at pati ang kanyang bag. Pati ang kulay ng kanyang buhok ay hinangaan.
Kinaaliwan pati ang ‘pabalagbag’ nitong pagsusuot ng beige overcoat sa asul niyang attire.
Ayon sa kanyang followers:
“Pag ako magsuot ng ganyang damit ni Heart para siguro akong labandera!”
“Problemado yarn??”
“Pa’no ako uuwi? Lagot ako ky Chiz neto (laughing emojis) kidding aside..hahaha.. you’re very pretty my idol Heart Evangelista.”

“Yung iniwan ka ng jowa mu, Hindi mo alam kung saan ka pupunta.”
“Sana ganito tayo kaganda mamrublema nu? Hahaha”
“In Malaysia we say, “paling cantik ” u sooooo maganda idol!”
“Hello Hart, diko alam paano kita ippm gusto ko lng itanong kung hindi k npapagod Kaka bihis”
“Yung 25 years old ka lang pero parang mas mukha pa kong stressed at matanda kay heart … whyyyyyy?”
Ang 37-anyos na first lady of Sorsogon ay talaga namang napakarami ng followers na humahanga sa kanyang ganda at husay magdala ng sarili.

Celebrating 10M Followers on Instagram
Labis na ikinasaya ni Heart na umabot na sa 10 million ang kanyang followers sa Instagram.
“10 million in Paris (heart emojis) thank you to everyone 🙂 after almost 25 years in showbiz, who would have thought I would still be loved by 10 million more (heart) I am so grateful (heart emojis),” aniya sa mga larawan ng kanyang pagpapasalamat.
“Well-deserved my dear! The content you put out is entertaining, creative, and most of all inspiring (heart emoji) You’ve touched so many lives—young and old—by simply being true to yourself. Cheers!” pagbati ng isang masugid niyang tagahanga.