“I will be a single mom!”
Base sa post ni Belle noong Hulyo 2021 ay pumanaw ang kaniyang kasintahan. Labis na pighati ang hatid sa kanya ng nangyari lalo pa’t nagdadalantao siya, pero hindi siya puwedeng sumuko dahil mayroon pang anak na umaasang magiging matatag siya.
Aniya sa isa pang post, “In this stressful yet fruitful week: ‘Mama, please don’t give up on me. I swear, I’ll be worth the wait. Our guardian angel in heaven, dada Tron Joph, is guiding and loving us eternally. We’ll meet very soon po. – Love baby blue’.”

Ibinahagi naman ni Belle ang kaniyang journey sa pagbubuntis noong Pebrero 27 sa pamamagitan ng isang DIY maternity photo shoot.
“After a tender setback, my soul started to wonder – a new life inside me was formed. A blessing which redirected me back to my purpose,” aniya.
Kuwento ni Belle ay masaya siya na dumating sa kanilang buhay ang magiging anak na lalaki. Inaalagaan raw niya ang kaniyang sarili para sa anak at sinisikap raw niyang inumin ang mga vitamins para dito kahit ayaw niya.

Hindi raw niya sukat akalain na ganoon kahirap ang pakiramdam ng magiging ina.
“Being pregnant in the midst of a pandemic makes it more challenging, especially for every working mother. The risks – extra expenditures – workloads; all of these brought pain in the ass.”
Nakatanggap rin daw siya ng mga masasakit na pambabatikos mula sa mga malalapit sa kanyang buhay dahil sa kanyang kalagayan. Hindi pa kasi sila kasal ng ama ng kanyang magiging anak bago ito yumao.
Anuman raw ang katayuan sa usaping trabaho ng isang tao, sa sandaling may label na “single mom” ang isang babae ay palagi daw itong makatatanggap ng masasakit na salita.
Aniya, “Regardless of one’s occupational status, once labeled “single mom”, a woman will and always receive painful criticisms. What’s severe? Hearing it from your loved ones.”

Labis umano ang pagka-miss niya sa kaniyang pumanaw na partner; ni hindi raw niya mapigilang maiyak sa bawat araw na naaalala niya ito sa tahanang kanilang binuo.
Hindi niya lubos maisip na ang mga masasayang alaala kasama ang kaniyang fiance ay magbibigay ng matinding sakit para sa kaniya.
“Our lovestory has ended over soon, but another “mother-son” chapter is about to start. I know this new life is you, as you always used to proclaim that you’ll never ever leave my side.”
Naniniwala umano siyang babalik ang kanyang mahal sa pamamagitan ng kanilang anak.
“In another life, I will be your mom!”