Ai-Ai delas Alas nagsayaw suot ang pulang swimsuit bilang suporta sa UniTeam

Kasabay ng pagbibigay-aliw sa social media, ipinakita ni Ai-Ai Delas ang kaniyang buong suporta para sa presidential candidate na si Bongbong Marcos at sa kaniyang running mate na si Sara Duterte sa darating na halalan.

Ibinahagi ng comedienne-actress ang isang TikTok video ng kaniyang pagsasayaw sa jingle ng tandem ng anak ng late president Ferdinand Marcos at anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, habang nakasuot ng pulang swimsuit na ipinares sa isang BBM-inspired na headdress at red heels.

“Ang gulo, kaya makapag 4 KINI na nga lang baka kahit ilang segundo ng dahil sa video na ito ay matahimik muna panandali ang mundo ng politika. Basta ako BBM SARA meron UNITY,” aniya sa kaniyang caption.

“Hindi ako masyadong makahataw baka sumilip ang 2 goiter ko haha or pag nadapa ako bilang ‘di ako sanay mag-heels sumilip ang flower ko, choose 1 lang kaya chill dance na lang,” aniya naman sa kaniyang caption sa Instagram.

Una nang ipinahayag ni Ai-Ai sa publiko ang kanyang suporta sa BBM-Sara sa ‘Miting De Avance’ ng Uniteam para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) noong Abril 1.

Basahin: Ai-Ai delas Alas sinabing ‘Ako ay tagasuporta ng UniTeam, ako rin po ay may pusong OFW’

Nauna ring pinabulaanan ni Ai-Ai noong Marso ang isang video sa YouTube na nagsasabing nagsuot siya ng pink bilang suporta kay presidential bet Vice President Leni Robredo.

Itinanggi ni comedy queen AiAi Delas Alas na ineendorso niya si presidential aspirant Vice President Leni Robredo matapos niyang mapabilang sa listahan ng mga supporters na ini-upload sa isang YouTube channel.

“Utang na loob, NANANAHIMIK AKO. ‘Wag n’yo akong masali-sali sa mga ganito. Tahimik ang buhay ko,” sabi ni AiAi sa isang post sa Instagram.

Dagdag pa niya, ang larawan niya sa thumbnail kung saan ay nakasuot siya ng pink, ang campaign color ni VP Robredo, ay kuha sa kaniyang lumang pelikulang “Tanging Ina Ko.”

“Huy!!!! Tanging ina ko pa picture ‘yan. Tanging ina ka, kung sino ka man na gumawa ng ganitong ka-cheapan,” pahayag niya.

Nilinaw rin ng komedyante na hindi niya sinusuportahan ang kandidatura ni VP Robredo. “Please, hindi po ako VP Leni supporter.”

Basahin: AiAi Delas Alas itinangging ineendorso si VP Leni Robredo.

Panoorin.

Post a Comment

Previous Post Next Post