AJ emosyonal sa set ng pelikula sa kasagsagan ng issues sa kanila ni Aljur

Inamin ng aktres na si AJ Raval na ilang beses siyang naging emosyonal sa kasagsagan ng mga isyu sa kanila ng aktor na si Aljur Abrenica. Pagbabahagi niya, umabot pa sa punto na umiiyak siya sa mismong set ng pelikulang ginagawa nila ng co-star na si Wilbert Ross.

Sa isang panayam sa kanya ng Pikapika, ikinuwento ni AJ na nasasaksihan umano ni Wilbert noon ang mga pag-iyak niya, lalo na at ipinaaalala raw talaga ng karakter niya sa pelikulang Crush Kong Curly ang sitwasyon niya sa tunay na buhay.

AJ aljur

“‘Yong situation po ng character ko roon, same situation po ng nangyayari sa akin that time,” saad niya.

Dagdag pa rito, bago pa lamang daw siya noon sa industriya kaya naging mabigat sa loob niya ang lahat ng mga intriga at paninising ipinupukol sa kanya; kabilang na ang mga may kinalaman sa paghihiwalay ni Aljur at ng dating misis nito na si Kylie Padilla.

“Bago lang po ako sa showbiz, e, and then, napasok po ako sa ganoong situation,” wika niya.

AJ aljur

Aljur at AJ

Oktubre noong nakaraang taon nang iulat ng PEP.ph ang pag-amin ni AJ na nanliligaw sa kanya si Aljur at mayroon silang magandang pagkakaunawaan. Aniya, “Totoo. Hindi ako magpapakaipokrita. ‘Di na ako magsisinungaling, ‘di na ako magde-deny, kasi mukha lang kaming tanga kapag nag-deny kami. Well, totoo naman na nag-uusap kami…,nag-uusap kami. We understand each other. We care for each other, pero wala pa kami sa point na may relasyon kami. Parang getting to know.”

Samantala, pagdating ng Disyembre ay nilinaw ni AJ na wala silang relasyon at kapwa may mga kailangan pang unahin at isaalang-alang.

“Si Aljur po, wala naman po kaming relasyon ni Aljur. Never naman po naming sinabi na may relasyon kami at nag uusap lang naman po kami. Wala po kaming relasyon. Sarado na rin naman po ’yon. Nasabi na rin po nilang dalawa ’yong mga gusto nilang sabihin. Sa akin naman po, parang lesson na lang po ’yong nangyari. Marami po akong realizations,” wika niya.

AJ aljur

Gayunman, kamakailan ay sinabi ni AJ na wala pa silang commitment pero siguro ay papunta na rin sila sa kabanatang iyon.

“Matagal-tagal na rin po ’yong mga ano, panliligaw, pagpapakilala. Kilala naman na po namin ’yong isat-isa,” aniya.

Post a Comment

Previous Post Next Post