Angeli, Gary Valenciano ipinagtanggol ang anak na si Gab sa mga bashers

Ipinagtanggol nina Angeli Pangilinan at Gary Valenciano ang kanilang anak na si Gab Valenciano na umani ng batikos online dahil sa pagsuporta kay presidential bet vice president Leni Robredo at running mate na si Kiko Pangilinan.

Si Gab ay aktibong nakikilahok at nagho-host sa mga rally ng tandem ni Leni at ng kanyang tiyuhin na si Kiko para sa halalan sa Mayo 2022 mula nang magsimula ang kampanya.

Sa Twitter, hinarap ni Angeli ang mga kritiko ng kanyang anak at nakiusap sa kanila na itigil na ang pamba-bash.

“To trolls & insensitive netizens who are bashing my son @gabvalenciano for believing in the #LeniKiko tandem. It took years for him to bounce back from his mental breakdown some years back so I am warning u to please STOP YOUR CYBER BULLYING & bashing our son. God bless you,” nakasaad sa post ni Angeli.

Noong 2019, inihayag ni Gab na na-diagnose siya na may bipolar disorder at clinical depression.

Ni-retweet ng asawa ni Angeli na si Gary Valenciano ang kanyang pahayag at binigyan ang kanilang anak ng mensahe ng pagmamahal at suporta.

“I stand with you in this hon. And son? No matter how much you’ve been bashed…rain or shine you also have inspired countless with your stand. Continue to reflect the character of those you stand for and let the bashers reflect theirs. I love you so much @gabvalenciano,” ayon kay Gary.

Samantala, tiniyak naman ni Gab na hindi naman siya apektado sa mga negatibong komentong ibinabato sa kanya.

“Awww mama, love you. I am grateful that through the years, I have managed to gain the strength to overcome such negativity and hate. In all honesty, I am unbothered by the bashing. Let us continue to pray for them. That’s what Jesus would do,” isinulat ni Gab, na sinipi ang tweet ng kanyang ina.

Post a Comment

Previous Post Next Post