Ibinahagi ng aktres na si Judy Ann Santos ang kanyang espesyal na birthday message para sa kanyang asawa, ang aktor-host na si Ryan Agoncillo, na ngayon ay 43 anyos na.
“My life, my heart, my soul… a wonderful father to our 3 beautiful, amazing children. You are and will always continue to be Gods’ biggest blessing. I love you forever,” nakasaad sa IG post ni Juday kalakip ang kanilang mga larawan.

Sa comment section ng post ng aktres, nag-iwan si Ryan ng tatlong heart emojis react para sa kanyang asawa.
Maraming followers ang bumati kay Ryan, pati na rin sa hanay ng mga kaibigan at mga kilalang personalidad.
“Happiest birthday to your hubs!!!! The best ka @ryan_agoncillo – iamsuperbianca”
“Happy bday Rye @ryan_agoncillo – iamgladysreyes”
“Happy birthday @ryan_agoncillo my fave Filipino Family celebrity @officialjuday”

Matatandaang ikinasal sina Judy Ann at Ryan noong 2009 at nakatakdang magdiwang ng kanilang ika-13 anibersaryo ng kasal sa Abril 28. Mayroon silang tatlong anak – sina Yohan, Lucho at Luna.
Basahin: Mommy Juday at Lucho masaya sa pagbabalik nito sa face-to-face classes matapos ang dalawang taon
Samantala, masayang ibinahagi ng aktres ang muling pagbabalik sa face to face classes sa school ng anak na si Lucho.
“Sa sobrang excited, we’re 45 minutes early. At least walang nerbyos ma-late,” ani Judy Ann sa kaniyang caption sa isang post.

Kinomfort naman ng aktres ang kaniyang anak at sinabing he’ll do great matapos sabihin ni Lucho na bukod sa excitement ay nakaramdam din siya ng kaba.
“My stomach is in knots and my heart is beating so fast because I haven’t been to the school in two years,” ani Lucho.
“But now I’m going to the school and learning there,” dagdag pa niya.
Basahin: Judy Ann, happy mom dahil nakatanggap na ng bakuna sina Lucho at Luna laban sa COVID-19